Chapter Fourteen

10K 406 274
                                    

Chapter Fourteen

Hatred

My heart was badly aching while seeing my son in tears. The worse thing was I didn't know how to comfort him. Hindi ko alam kung ano sasabihin para mapawi ang dinaramdam nito. I've been there. There were no words of comfort that could take the pain away. I was alone in my struggle before. There was no one beside me whenever I swallowed the tears that filled my eyes every minute.

"Crayon," I painfully mumbled while staring at my son.

Mabilis nitong pinahid ang mga luha at nagpatuloy sa paglalakad.

Tinignan ko si Hunter para alamin kung kagaya ba ni Crayon umiyak din. Taliwas sa ipinakita ni Crayon, hindi ganoon ang nakita ko kay Hunter.

My son Hunter was clenching his fists and jaw. Nabahala ako. Kakausapin ko sana pero mas nauna itong nagsalita.

"You go first with Crayon, Mom. I'll just check something."

Bago pa ako makasagot, pumihit na ito pabalik at naglakad papalayo. Sinundan ko ng tingin si Crayon. May nararamdaman akong mali kaya mabilis sumunod.

"Crayon, sundan natin ang kapatid mo."

Hindi ko na hinintay na makasagot si Crayon, tumakbo na ako at sinundan si Hunter.

"Hunter!"

Ang bibilis ng hakbang ni Hunter at ang haba ng mga paa kaya natural na hindi ko maabutan. Ang layo na nito sa amin. Nang makita kong papunta ito pabalik sa restaurant, mas lalo kong binilisan ang pagtakbo.

I just had a bad feeling about it. Nang makita kong papalabas na sina Nathaniel ang pamilya niya, mas lalo akong kinabahan.

I ran as fast as I could. Ngayon lang ako tumakbo ng ganito kabilis buong ko. Nagharap na sina Hunter at Nathaniel at may hinala na ako kung ano ang gagawin ng anak ko kaya nang makalapit kaagad kong hinawakan ang magkabilang kamay ni Hunter.

"Hunter, let's go."

"Are you happy now?"

Pumikit ako nang mariin nang marinig ang tanong ni Hunter kay Nathaniel na walang ginawa kun'di ang tumitig kay Hunter.

"Are you pleased to see us like this while you're living a happy life with your new family?"

"Hunter," matigas kong sambit sa pangalan nito. "Please, anak. Huwag dito. Maraming tao."

"Bakit, Mom?" Hunter stared at me. "You don't want to embarrass your ex-husband in public. Bakit? Hindi naman siya nahiya na ipinagpalit ka niya sa ibang babae, ah!"

"Anak," pikit-mata kong muling pigil dito pero hindi pa rin ako pinakinggan.

"Hindi naman siya nahiya nang iniwan niya tayo at sinabi ng harap-harapan sa inyo na mas mahal niya ang babae niya kesa sa amin ni Crayon!"

Hindi ako na nakapagsalita dahil sa mga namuong luha sa mga mata ko.

"He have no right to get embarass because in the first he was the one who should be embarass to us!"

Hindi ako kumurap habang tumitingin sa anak ko dahil natatakot na ako baka malaglag ang mga luha sa pisngi.

"He had no idea how his actions affect us."

Hunter drifted his glares to Nathaniel, who still said nothing.

"Hindi mo alam na dahil sa ginawa mo nahihiya kami. Nahihiya kaming humarap sa mga taong nakakaalam ng kwento niyo ni Mommy. Ayaw naming humarap sa ibang tao dahil nasasaktan kami na marinig sa ibang tao kung ano ang nangyari sa mga magulang namin. Kami ang sumalo at nakaramdam ng lahat ng sakit na ipinaranas mo kay Mommy. Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam na lumaking makitang umiiyak at humahagulhol ang ina mo araw-araw at gabi-gabi. Nang dahil sa ginawa mo, ayaw naming magmahal dahil ang iniisip namin sa salitang iyan... pagdurusa, sakit at mga luha."

Now All That's Left is DustWhere stories live. Discover now