Chapter Thirty-Three

11.2K 425 237
                                    

Chapter Thirty-Three

Brave ⁽ᴿ¹⁸⁾

I know that Nathaniel had his share of terrible nights, and those nights were filled with sobs, wishes, regrets, cries, and memories. Pareho kaming nasaktan. Pareho kaming nagdusa sa mga pagkakamali namin. But my journey with him is nothing but tears, disappointments, sadness, fears, and confusion. It's time to finally lower the curtain of uncertainties and accept that our story is over. I don't want to exhaust myself and my soul for this anymore.

Hinintay ko ang sagot niya pero wala akong narinig na kahit na anomang salita mula sa kanya. Tinitigan niya lang ako. Ang sakit at pait sa mga mata niya naging malinaw dahil sa liwanag na dala ng buwan na napansin kong unti-unting nawawala.

"Kung hindi nangyari sina Hunter at Crayon, wala kang magandang naidulot sa buhay ko kun'di pasakit."

"Don't lie to me."

Finally, he said something but with a clenched jaw.

"Alam kong naging masaya ka noon sa piling ko. Naging masaya tayo pareho."

"Pero mas maraming sakit!" I shouted. "Mas maraming sakit, Nathaniel!"

"Bakit ba ang mga sakit lang ang iniisip mo, Alicia?" sigaw niya pabalik. "Bakit, ha? Bakit hindi ang mga masasayang araw at pangyayari kasama ako? Kasama sina Hunter at Crayon? Bakit palaging ang mga sakit, pait at ang mga pagkakamali ko lang ang naalala mo? Palagi mong sinabi na unfair ako. Pero alam mo sa totoo lang, Alicia, ikaw ang unfair dito!"

Kinagat ko nang mariin ang pang-ibabang labi sa pagsigaw niyang iyon.

"Alam kong hindi ako naging perpektong asawa noon pero alam ng langit kung paano kita sinamba at pinagsilbihan. Lahat ng mga bagay na hindi ko ginagawa sa mga babaeng nagdaan sa buhay ko, nagawa ko sa'yo. Natuto akong magluto, maglaba, maglinis ng bagay, mag-alaga ng mga bata, mapagkumbaba at humingi ng tawad dahil sa'yo. Hindi ko nasabi ng bokal sa'yo na mahal kita pero alam ng Panginoon na ginawa ko ang lahat para maramdaman m-mo."

Sabay na nangingig ang mga labi at tumulo ang mga luha namin pagkatapos.

"K-kung nasaktan kita sa pagsisinungaling ko, hindi mo alam kung gaano rin ako nasaktan habang nakikita kang nasasaktan. I cried in pain every night not being able to take your pain away. Pero mas nasasaktan ako sa katotohanan na hindi mo pala naramdaman ang pagmamahal na pilit kong pinaramdam sa'yo noon kahit hindi ko mahal ang sarili ko."

Muling tumulo ang mga luha kong hindi ko pinagkaabalahan na pahirin dahil hindi ko magawang igalaw ang mga nanginginig kong kamay.

"Hindi mo ako binigyan ng dahilan para ipaglaban ang nararamdaman ko... ang pamilya natin... dahil mabilis mo akong kinamuhian. H-hindi mo ako sinubukan na kausapin. You blamed and cursed me for leaving you away... but you never asked me to stay. When I opened up my weaknesses and vulnerabilities, I dreamed of you holding my hand... but you didn't. You let go and pushed me away."

Lumalabo na ang paningin ko sa mga luhang patuloy na lumalandas sa pisngi ko. Wala akong maisagot sa sinabi niya dahil pakiramdam ko ang hina-hina ko sa mga sandaling iyon.

"Palaging mong iniisip na ikaw lang ang nasasaktan... na ikaw lang ang nagdurusa. Oo, ako ang nanakit pero nasasaktan at nagdurusa rin ako, Alicia. Ilang taon akong namuhay na walang inuuwiang pamilya at tahanan dahil sa mga pagkakamali ko. Masama bang humiling na sana maranasan kong muli ang pakiramdam na may naghihintay at nag-aalala sa'yo?"

I bowed down and cried silently again.

"Palagi mong sinasabi na hindi kita mahal. Na baka nagi-guilty lang ako. If this is not love and just a fucking guilt, fuck... hindi ko titiisin ang lungkot na mamuhay mag-isa sa loob ng maraming taon kung ganoon. I can find another woman for myself. There is so much out there who is better than you. Pero hindi ko ginawa dahil ikaw ang gusto, ikaw ang pangarap ko, ikaw ang dinidikta ng puso ko... ikaw ang mahal ko. Kayo nina Hunter at Crayon ang gusto kong uwian. Kung kaya ko lang diktahan ang puso ko, Alicia, hinding-hindi kita pipiliin dahil ayaw na kitang magulo muli."

Now All That's Left is DustWhere stories live. Discover now