Chapter Twenty-One

8.1K 408 222
                                    

Chapter Twenty-One

Welcome

Natuto na ako, ayaw ko nang magulat pa ng mga bagay-bagay kaya dapat nagtanong ako kay Nathaniel bago sumama sa kanya. Ngayon na ako nagsisi. Ngayon na kung kailan malayo na kami at OA kung maituturing kung magsisigaw na parang na-kidnap.

"Saan tayo pupunta, Nathaniel?"

Tahimik na daan at mga berdeng tanawin na ang nakikita ko kaya alam kong malayo na kami at wala na kami sa siyudad.

"Sa tabi-tabi." sagot niya habang nasa daan ang tingin at nasa pagmamaneho niya ang pokus.

Hindi ko mahuluan kung ano ang iniisip niya pero kung pagbabasehan ko ang lagay ng panga niya, mukhang galit siya. Well, I can't blame him. Nakagagalit naman talaga ang ginawa ng Mommy niya.

I am really mad myself. Not too mention, very offended and insulted. Halatang mababa ang tingin ng Mommy niya sa akin at sa pamilya ko. I'm not sure if that was because of their past with my parents or ganoon lang ba talaga ang Mommy niya, matapobre?

"Nathaniel, 'wag kang ma-offend pero naiinis na ako sa Mommy mo." I said, indistinctively. "Noong una, sinampal niya ako. Ngayon naman, pinuntahan niya ako sa bahay para papirmahin ng annulment paper at insultuhin."

"Anong sinabi niya kanina?" tanong niya sa akin habang hindi ako tinitignan.

"Sa ating dalawa, ikaw daw ang agrabyado dahil pagkatapos mapawalang bisa ang kasal natin, magiging kasing-yaman na ako ng pamilya niyo. Hindi raw kasi ako pumirma ng pre-nuptial agreement. Hindi ko naman alam na mayaman ka pala kung alam ko lang, hindi rin talaga ako pipirma."

Nakita kong lumingon siya sa akin kaya ikinilos ko ang ulo at sinalubong ang mga mata niya.

"Seriously?" seryoso niyang tanong. "Hindi ka pipirma kung saka-sakali?"

"Hindi." mabilis kong sagot. "Bakit naman ako pipirma? Ano ka siniswerte? Aanakan mo ako tapos kapag naghiwalay tayo wala akong makukuha kun'di sakit sa puso? Mukha mo."

"Mabuti na lang pala hindi mo alam ang katotohanan."

Tumawa ako nang mahina sa sinabi niya. "Mabuti na nga lang. Matu-turn off ka sana." Lumabi ako saka umiiling-iling. "Pero ang bitter ng Mommy mo, ah?"

"I'm sorry about that." he quietly said.

"Huwag kang mag-sorry. Nagiging santo ka sa paningin ko. Pwede ka nang dasalan. Okay lang talaga." Bumuntong-hininga ako nang malalin. "Nangyari na. Wala na tayong magagawa. Umuwi na lang tayo. I'm sure umuwi na rin ang Mommy mo ngayon kung hindi sila nagsabunutan ni Mommy."

"Takot ka ba sa akin, Alicia?"

Nagtataka na napatingin ako sa kanya nang marinig ang tanong niyang iyon.

"Ha?"

"Are you afraid of me?"

Hindi niya pa rin ako tinitignan kaya hindi niya nakita ang pagkasasalubong ng mga kilay ko.

"Bakit mo naitanong? Wala ka naman sigurong lahing aswang bakit ako matatakot sa'yo?"

"So, it is alright for you if we'll spend the night together now?"

My jaw dropped in horror. "Eh!?"

Pumikit siya nang mariin na parang nabingi sa matinis kong boses.

"Anong sabi mo?" hindi natutuwang tanong ko sa kanya na mabilis niyang sinagot.

"Let's spend the night together."

"Siraulo ka ba? Ibalik mo ako sa bahay." matigas kong saad sabay umayos ng upo.

Now All That's Left is DustWhere stories live. Discover now