Chapter Thirty-Seven

10.9K 327 271
                                    

Chapter Thirty-Seven

Reservation

He sure is. Nathaniel is happy. Ramdam na ramdam ko. Nakikita ko. I have never remembered Nathaniel to be this soft and kind to himself.

Habang tinitignan siyang nakikipag-usap kina Hunter at Crayon sa porch hindi ko inalis ang mga mata sa kanya. The party is over and I already tucked Amelia in the bed. Pagod din ako dapat matulog na rin ako pero ano itong ginagawa ko?

"Para kang stalker. Umakyat ka na, gaga!" saway ko sa sarili.

Tumango ako at pipihit na sana patalikod pero bigla kong narinig ang tawanan nilang tatlo. Nathaniel burst into a deep loud hearty laughter. I can't take my eyes off him. Hindi ko siya kailanman nakita at narinig na tumawa ng ganito noon. He used to supressed and restrained his laugh.

Life has been good and kind to him, I see.

"Ang gwapo at ang sarap naman talaga ni Nathaniel. Nakakatakam, ano?"

"Sobra- este. What the hell, My?" Gulat akong nilingon si Mommy nasa likod ko. Kaswal na nakapatong sa balikat ko ang baba pero hindi ko man lang napansin. "Kanina pa ba kayo diyan?"

"Hindi naman. Sapat lang para makita at mapatunayan na pinagnanasaan mo ang dati mong asawa."

"Anong pinagnanasaan? Tinitignan ko lang at inoobserahan ang mga pagbabago sa pagkatao."

"Huwag ka nang mag-deny, Alicia Celestine. Lumabas na mismo sa bibig mo at wala kang dapat ikahiya, anak. Ina mo ako."

"Mommy, Diyos ko. Hindi nga kasi-."

"Crayon Brent, Hunter Clint!"

Naalarma ako nang marinig ang pagtawag ni Mommy sa mga apo niya na mabilis lumingon sa direksyon namin.

"Mga apo, isali niyo itong Mommy niyo baka umiyak!"

Pinanlakihan ko ng mga mata si Mommy. "Mommy!"

"Halika kayo! Bilis!"

Tumayo naman sina Hunter at Crayon at naglakad sa direksyon namin. Nang makalapit, sabay nila akong hinawakan sa magkabilang braso at marahan na hinila.

"Come on, Mom! Don't be a KJ!"

"Hindi na. Kayo na lang. Inaantok na ako at baka umiyak ang kapatid niyo. Aakyat na ako."

"Babantayan ko." pagpresenta ni Mommy sabay tumalikod at naglakad papaalis bago pa ako makapagrason.

Muli naman akong pinagtulungan na dinala nina Crayon at Hunter papalapit sa mesa kung saan nakita ko si Nathaniel na seryosong nakatingin sa direksyon namin. Tatanggi sana akong muli pero nang ma-realize kong para akong tanga na nagpapaka-immature, umayos ako at nagpadala na lang sa hila na.

Nang makalapit sa mesa, inusog ni Hunter ang upuan sa tabi niya at doon ako pinaupo. Hindi kami pinagtabi ni Nathaniel pero magkaharap naman. Mas gusto ko pa yatang magtabi na lang kami kesa ganito na siguradong mahihirapan ako sa pag-iwas ng tingin dahil ramdam na ramdam ko ang nanunuot sa buto na tingin ni Nathaniel.

"Here, Mom. One shot for you." saad ni Hunter sabay nagsalin ng wine at ibinigay sa akin.

Alam ng mga batang ito na hindi ako magandang lasangin kaya pinagbabawalan nila akong uminom pero ngayon sila pa ang nag-udyok.

"Kayong dalawa." pinalipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa. "May binabalak ba kayo?"

"Balak?" ulit ni Hunter sa salita. "Wala. Si Daddy, baka meron. Dad, may binabalak ka?"

Nangangati ang mga mahabang kuko ko na dumapo sa tagiliran ni Hunter matapos marinig ang sinabi nito sa Daddy niya. Mabuti na lang tumawa lang si Nathaniel sa kalokohan ng anak niya.

Now All That's Left is DustWhere stories live. Discover now