Chapter Fifteen

10.2K 405 172
                                    

Chapter Fifteen

Awkward

I thought that Nathaniel ended up with Kate. What's this? Bakit si Daniel ang kasama ni Kate sa iisang bagay? Ibig sabihin ba, si Daniel iyong nakita ko roon sa arcade noon. Hindi si Nathaniel?

"What are you doing here, with my nephews, Alice? Long time no see, by the way."

"They are here for Nathaniel." si Kate ang sumagot sa tanong ni Daniel..

"Pasensya na. Nakadisturbo kami." paghingi ko ng paumanhin.

"No, it's okay." Kate said smiling. "Ibibigay ko na lang ang address ni Nate para mapuntahan niyo siya. Can I have your number, Alice? Iti-text ko na lang."

Tahimik akong tumango bago kinuha ang cellphone ni Kate. I saved my number and gave it back to her.

Maya-maya pa nakatanggap na ako ng text.

"Thank you, Kate," I mumbled, smiling.

"You're welcome. Breakfast?"

"Thank you! Tapos na kami. Sige, aalis na kami. Daniel, nice seeing you again. Aalis na kami."

Ngumiti lang si Daniel saka tumango.

"Matthew, ba-bye."

"Ba-bye, Tita Alice!" magiliw saad ni, Matthew.

Nang dumako ang tingin sa kanina pa tahimik na sina Hunter at Crayon, naningkit ang mga mata nito. Pero hindi na pinansin ng dalawa na naunang lumabas sa akin.

Habang nasa loob kami ng sasakyan tahimik kaming tatlo. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng dalawa. Ayaw ko rin magtanong. Bibigyan ko sila ng pagkakataon na sila ang unang magbukas ng usapan.

Habang nasa loob ng sasakyan, I texted Natasha dahil kailangan kong may mabahagian nang nakagugulat na nalaman ko.

To: Natasha Herrera

Hoy, buang! Bakit hindi mo sinabi sa akin ang katotohanan na hindi pala sina Kate at Nathaniel ang nagsasama ngayon?

From: Natasha Herrera

Bakit? Nagtanong ka ba?

Magre-reply sana ako pero muli akong nakatanggap ng text.

From: Natasha Herrera

Omg! Nalaman mo na? Paano? Saan? Kailan?

To: Natasha Herrera

Ngayon lang. Nakakaloka nga.

From: Natasha Herrera

Na-tide zone ka ba?

To: Natasha Herrera

Anong tide zone?

From: Natasha Herrera

Gulat ka 'no? Bwahahaha! Oo, sina Daniel at Kate ang nagpakasal dahil si Daniel naman pala ang ama ng dinadala ni Kate noon. Pero dahil si Nathaniel ang gustong ipakasal ng mga magulang ni Kate, si Nathaniel ang pinaangkin.  Teka, nakakapagod mag-type. Tumawag ka kaya. Buang!

Now All That's Left is DustWhere stories live. Discover now