Chapter Thirty-Four

14.1K 509 343
                                    

Chapter Thirty-Four

Wish

Maaga akong nagpunta sa bahay para makausap si Mommy nang hindi nagpaalam kay Nathaniel at kina Hunter at Crayon. Tulog na tulog pa silang tatlo. I don't feel like disturbing them so I just went alone. Ang plano ko i-text na lang si Nathaniel para mabasa niya paggising pero nakarating na ako sa bahay nang ma-realize kong naiwan ko pala ang cellphone.

Hindi na rin ako nag-effort na ma-contact siya dahil wala naman akong balak magtagal. May kokompirmahin lang naman ako kay Mommy na naabutan ko sa kusina kausap at kaharap si Dad sa maliit na mesa nang umagang iyon.

"Alfonso, alam mo bang may alam akong bagay na hindi mo alam at wala akong balak ipaalam sa'yo kaya huwag mo nang alamin."

Mula sa likod ng malaking halaman na pinagkukublian, nakita ko ang dahan-dahan na pag-angat ng tingin ni Dad kay Mommy. Daddy's brows met. Ang laki ng question mark sa buong mukha.

"Nalipasan ka ba ng gutom kahapon, Amanda?"

"Parang ganoon na nga."

"Puro ka kasi halaman."

"Huwag mong pinapakialaman ang mga halaman ko. Pero seryoso ako, Alfonso, kaya huwag mong tanungin kong ano iyon."

Dad shook his head and continued reading his newspaper.

"Pero hindi na kaya ng konsensya ko na baunin ito. Ayaw kong pumanaw na baon pa rin ito kaya sige na lang, tanungin mo ako kung ano iyon."

Bumuntong-hininga ng malalim si Dad at muling ibinaba ang newspaper para tignan si Mommy.

"Ano?"

"Ano..." Mommy sipped a bit of her tea. "Ano... nanalo ako ng bente mil sa swertres kahapon. Plano sana kitang bigyan ng balato pero naubos ko sa pagbili ng mga halaman. Sorry not sorry. Hihi."

Dad sighed. "Iyan lang?"

Mommy nodded. "Oo. Huwag kang magalit."

Dad shook his head and tried reading the newspaper again.

"Kailan ba ako nagalit sa'yo?"

"Oo, nga naman. Hindi ka nga pala nagagalit pagdating sa akin dahil wala ka namang pakialam sa akin. Dahil hanggang ngayon si Natalia pa rin."

Nakita kong natigilan si Dad matapos nang sinabi ni Mommy. Kahit ako natigilan at nagulat din dahil ngayon ko lang narinig si Mommy na hindi nakataas ang boses at nagtaray. Mommy is always energetic and enthusiastic when talking.

"Sabi ko naman 'di ba na ayos lang sa akin. Matagal nang wala ang asawa ni Natalia pwede na kayong magkabalikan. Masaya na naman ako sa mga halaman ko."

I don't know why but I felt like crying while listening and looking at my Mom. Kung siguro wala akong narinig mula kay Ma'am Natalia, iisipin kong nagdadrama na naman si Mommy at nagiging paranoid.

"Alfonso and I were childhood sweethearts. High school pa lang, kami na. Hanggang sa nagkolehiyo. Sabay kaming nagtapos ng aming kurso. Sabay din na nag-aral ng abogasiya. Nang inalok ako ni Alfonso ng kasal, ang akala ko kami na panghabang-buhay. Noon pa man tutol na ang mga magulang ko kay Alfonso dahil sa pinagmulan nito pero hindi ko iyon inisip dahil mahal ko si Alfonso at hindi ko nakikitang makakaya ng mga magulang ko na makita akong nagdurusa para masunod ang gusto nila. Nagkamali ako dahil tinutulan nila ang aming pagmamahalan. They wanted me to marry another man. Sinubukang ipinapatay ng mga magulang ko si Alfonso at sa takot para sa buhay ng mahal ko, napilitan ako na lumayo at sundin ang gusto nila."

Nagdadalawang-isip ako kung paniniwalaan ko ba si Ma'am Natalia nang gabing iyon kung ibang bersyon naman ang ikinuwento ni Mommy sa akin. Of course, I would rather believe my Mom's other than someone's. Lalo pa at galing sa bibig ni Ma'am Natalia ang ibang kwento na galit na galit sa pamilya ko.

Now All That's Left is DustWhere stories live. Discover now