Chapter Seventeen

10K 383 241
                                    

Chapter Seventeen

Fade

Police officers confirmed that the shooting was related to Dad's. The suspect himself admitted that he was paid by someone he had never met. Kami ng mga anak ko ang punterya. Nathaniel was, fortunately, present that night. He saved us. We owe them our lives, but it meant something else to my mother.

"Siguro si Natalia ang may pakana no'n! Malaki ang kutob ko na ang bitter at inggiterang babaeng iyon ang nasa likod noon! Punyetang, babae iyon! Humanda siya sa akin kapag nakita ko siyang muli! Hindi ko na sasantuhin ang mukha niyang siksik sa silicon!"

"My, umamin na ang suspect. Huwag niyong paratangan ng ganyan ang Mommy ni Nathaniel. Pwede kang sampahan ng kaso lalo pa at wala kang ebidensya." mahinahon kong saway kay Mommy habang magkaharap kaming tatlo ni Daddy sa round table para magkape kinaumagahan.

Pero dahil sa mga nangyari kagabi buong magdamag akong dilat. I can't sleep. Sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata, may naririnig akong putukan ng mga baril.

It wasn't until we got home and I was alone in my room that I noticed the effect. That night, my flesh was badly shaking. I was worried at Hunter and Crayon. Kaya pinuntahan ko sa kwarto nila kagabi at tinanong. Pero okay lang naman daw sila. Mukhang ako lang ang apektado ng sobra.

"At pati ikaw, Alicia Celestine, kumakampi na rin sa pamilyang iyon?" taas ang kilay na tanong sa akin ni Mommy.

I sighed. "Hindi naman ganoon, My. Sinasabi ko lang ang tama."

"Hindi. Kumakampi ka kay Natalia kaya simula ngayon ang babaeng iyon na ang nanay mo. Isama mo ang ama mo para wala na akong problema."

I noticed Dad shaking his head helplessly. Dad, on the other hand, said nothing or did not comment. Tahimik lang itong umiinom ng kape niya.

"Kung ganoon, My, 'e 'di magiging kapatid ko na si Nathaniel at magiging pamangkin niya na sina Hunter at Crayon na mga anak niya?"

Natigilan si Mommy at sandaling napaisip.

That was new. Ngayon ko lang nakita si Mommy na nag-isip.

"Oo, nga, ano. O, siya. Ikaw na lang ang lumayas dito, Alfonso. Bumalik ka roon sa ex mong mukhang carabao grass."

Hindi ko mapigilang matawa sa narinig. Si Dad naman mukhang napuno na dahil narinig ko nang sumagot.

"You don't know how to move on, do you, Amanda?"

"Huwag mo akong ma-english english, Alfonso, dahil kapag ako ang nakapag-english ngayon, dudugo iyang ilong mo. Nakapag-move on na ako! Iyang si Natalia Antonia Makabebe Tatlong Hari de Panyawan-Artiaga ang hindi makapag-move on!"

"Ha? Iyan ang apelyido ng Mommy ni Nathaniel, My?"

"Hindi."

"E, bakit ganoon kahaba?"

"Long iyon for Zalariaga."

Napangiwi ako habang napahilot naman si Daddy ng kanyang sentido.

"Amanda, please. May mga apo na tayo at labing-limang taong gulang na. Sana naman tigilan na natin ang pang-ungkat sa nakaraan."

"Iyong si Natalia ang kausapin mo para kiligin naman ang babaeng kuhol na iyon! Alam kong nagpapansin lang ang babaeng iyon! Alam ko. Gusto lang no'n kausapin mo muli, Alfonso. At pagbibigyan ko siya sa gusto niya. Kausapin mo, Alfonso. Pakiligin mo hanggang sa mamatay."

"Mommy, naman. Lola pa rin iyon ng mga apo."

Inis akong nilingon ni Mommy at tinaasan ng kilay.

"Hoy, Alicia Celestine. Hindi itinuturing na apo ng babaeng balakubak na iyon ang mga anak mo. Huwag kang assumera. Mga diyosa lang tayo! Hindi tayo mga assumera!"

Now All That's Left is DustTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon