Chapter Twenty-Five

8.9K 373 197
                                    

Chapter Twenty-Five

Heal

"Good night, Mom."

Ngumiti ako nang maramdaman ang sabay na paghalik nina Crayon at Hunter sa magkabilang pisngi ko. After eating dinner for the first time after ten years as a family, Nathaniel went straight to his office while Crayon and Hunter joined me in the room. Nag-usap at nagtawanan ng kung anong bagay-bagay. I enjoyed our conversation so much. Hindi ko namalayan na gabi na pala.

"Good night! Matulog nang diretso. Huwag nang makipag-text sa mga girlfriend."

"Girlfriend, what?" Crayon said, shrugging.

"Wala ba? Hindi mo ba niligawan si Olivia?"

Tumawa nang malakas si Hunter. "Paano manliligaw kung torpe? Kahit simpleng pag-text ng 'hi' hindi magawa." Hunter said laughing.

"Shut up." inis naman na saad ni Crayon saka tumalikod at naglakad papalabas ng kwarto.

Kaagad naman itong hinabol ni Hunter at inakbayan habang patuloy na inaasar. Inaalis ni Crayon ang braso ni Hunter pero kaagad na ibinabalik ni Hunter. Ganoon silang dalawa hanggang sa makalabas nang tuluyan at mawala sa paningin ko.

Bumuntong-hininga ako nang malalim bago umikot at tumingin sa madilim ngunit kumikislap na langit.

Until now, the reality hadn't sunk in yet. It's still hard to believe that we live under the same roof again after many years of pain and struggle.

I'm happy but can't help to feel worried, too. I don't know what life awaits for all of us after this. I know this is not all about unicorns and rainbows. Baka nga mas masakit pa ito kesa noon. I don't know, but I am not so confident about this reunion again.

In the middle of those unwanted thoughts, my phone vibrated. It was from Natasha. Kinakabahan ako na baka umabot sa kaalaman nito ang nangyari at aasarin ako kaya hindi ko kaagad sinagot. Tinitigan ko muna nang mga ilang saglit ang screen bago ko napagpasyahan na sagutin sa wakas.

"Hello! Sino 'to? Wrong number po kayo."

"Alicia, may sasabihin ako sa'yo. Ibinigay ko kay Enrique ang number mo dahil hiningi niya. Baka tumawag iyon ngayon kaya huwag kang magulat."

"Ano? Anong ta--."

"Bye na! Tatawag ako ulit mamaya. Beast mode si Herrera."

Bago ko pa mapigilan si Natasha, tinapos na nito ang tawag kaya ganoon na lang ang pag-iling ko.

"Ano ang pinagsasabi ng babaeng iyon?"

I snorted and was about to put my phone back in my pocket, but I received another call again, and it was from an unlisted number.

I pursed my lips.

Siguro si Enrique na ito. Hindi ko sinagot kaagad dahil pinag-iisipan ko pa kung sasagutin ko ba o hindi kahit wala akong nakikitang rason para hindi sagutin. Although we only met few times I alread considered Enrique as a friend. It's very rude of me not to respond to the call. Wala naman akong ginagawa. Nakababagot din magpahangin mag-isa.

I'm honestly waiting for Nathaniel to finish his work. Buong araw na siyang nandoon sa opisina niya. Mukhang importante ang ginagawa niya. Hindi ko alam dahil hindi ako nagtanong. Hindi ko rin siya pinuntahan doon para silipin dahil baka makadisturbo ako.

"Hello," I started.

"Alice, this is Enrique."

Umikot ako at isinandal ang likod sa railings. "Enrique, hi! Napatawag ka?"

"Hi! I hope you don't mind. I get your number from Natasha."

"Okay lang. Walang problema. Bakit ka nga pala napatawag?"

Now All That's Left is DustWhere stories live. Discover now