Chapter Four

12.5K 512 134
                                    

Chapter Four

Wife

"Ma'am, excuse me."

Inalis ko ang tingin sa mga dokumento na hawak bago itinuon sa kasambahay na pumasok.

"Yes?"

"Nandiyan na po ang daddy niyo."

Bigla akong naalerto sa narinig. Napatingin ako sa relo na nasa braso ko dahil pakiramdam ko masyado pang maaga para dumating ito ng bahay. Gani na usually umuuwi si Daddy.

"Sige. Salamat."

Mabilis kong pinasok sa bag ang mga dokumento na phinotocopy ko saka patakbo na lumabas ng opisina. Binigay ko sa kasambahay ang susi saka parang walang nangyari na lumabas at bumaba ng hagdanan at sinalubong si Daddy na malayo pa man kumunot na ang noo nang makita ako.

"Hi, dad! Good afteroon."

"Where have you been?" dad asked with a furrowed brows that I almost tremble in fear.

Kakaiba at may sinasabi ang titig nito sa akin.


"Papaalis pa lang ako, dad. Susunduin ko ang mga bata."

Hindi ito umimik pero nakita kong nakatuon ang mata sa mga silid sa itaas kaya napalunok ako. Iniisip ko kung naisara ko ba ang opisina nito kanina o naiwan kong nakabukas?

Nang makita kong tahimik lang akong nilampasan ni Dad unti-unti akong nakahinga nang malalim. Sinundan ko ng tingin si Dad habang kagat ang labi. When dad is out of my sight, mabilis akong lumabas ng bahay at nagtungo sa sasakyan.

I drove outside the subdivision. Nang masigurado kong malayo na ako sa CCTV camera ng subdivision, huminto ako at doon binasa ang mga dokumento na kinuha ko sa opisina ni dad kanina.

It's ten pages detailed report about Nathaniel's life na hindi sinasadyang nakita ko kanina. Iba talaga ang hinahanap ko. Correction tape lang pero habang naghahanap ako ng bagay na iyon sa mesa, aksidente kong nakita ang litrato ni Nathaniel Artiaga.

Hindi ko sana papansinin dahil wala naman akong pakialam sa kanya pero pinipilit ako ng pagiging tsismosa ko. After all, ama pa rin naman siya ng mga anak ko kaya hindi naman sigurong masama na maki-echos.

Matagal ko nang nakalimutan ang presensya niya sa buhay ko. Gaano katagal? Mga six months gano'n. Matagal na 'yon. Huwag kayong makialam. Saka feeling ko naman talaga matagal na akong nanatili sa poder ng mga magulang ko. Pakiramdam ko hindi six months kun'di six years na.

Living under the same roof with my parents after how many years feels nostalgic. Parang noon lang. Bilang ang mga kilos ko. Hindi ako nakakaalis ng bahay basta-basta. Pero napakalaking tulong. Napakalaking tulong para maayos ang nagkalamat na relasyon namin ng daddy ko. Kailangan ko lang palang tumanggap na nagkamali ako bago ako tanggapin muli at kilalanin na anak.

After my last conversation with Nathaniel, I decided to asked help from my parents. I asked forgiveness, accepted defeat and mistakes. Kapag patuloy ko kasing paiiralin ang pride ko, mamamatay kami ng mga anak ko.

Hindi na ako makapagtrabaho dahil wala rin naman akong ginagawa kundi ang umiyak. Hindi rin talaga pwedeng patuloy akong papasok sa kompanya ng mga Dela Vega dahil malaki ang posibilidad na magkita kaming muli. The world is so small for us and I really wanted to move on.

Now All That's Left is DustWhere stories live. Discover now