Prologue

599 9 0
                                    

Prologue 

Amstel Jacob Bandiala

Ako yung klase ng estudyanteng walang pakialam sa pag-aaral at sakit sa mata ng teacher pero wala naman silang masabi dahil matataas naman grades  ko. 

Medyo gago ako pero matalino ako 'no. Lalo na sa math kaya wala silang masasabi sa'kin kahit na sakit lang ako sa ulo at mata nila. 

Not until pagtripan ako ng mga gago kong kaibigan at isali ako sa isang pageant ng school talagang nasapak ko sila isa isa dahil doon. Ayoko pa naman ng mga ganun. Ang corny pre! Sasali pa ako diyan, para ano? Patunayan na ako ang pinakapogi? Matagal ko ng napatunayan yun. 

Pero nakita ko na lang yung sarili kong sumasali pa sa halos lahat ng pageant na nagaganap. At bakit? Dahil sa babaeng nakakuha ng atensyon ko. Naging magpartner kami ng ako yung manalo sa unang pageant na sinalihan ko nung grade 8 at hindi ko na talaga maalis paningin ko sa kanya. 

She look like an angel in my eyes. And her name is Saffira Diamond Furtano. Her name suits her well.

Talagang ginagalingan ko para ako ang manalo at lagi siyang makasama. And I'm also one of the guys na nagbibigay sa kanya ng regalo and also letters. But I found out her bestfriend are throwing the gift and the letters. 

And he admit to me that he likes Saffira. At dahil hindi pa naman ganun kalalim yung nararamdaman ko for Saffira hinayaan ko. Mas may pinagsamahan sila at hindi impossible na hindi siya magustuhan ni Saffira. 

Wala na akong laban doon. 

At sakto namang kailangan kong samahan sa America si Papa for his surgery kaya doon na din ako nag-aral hanggang sa maging maayos si Papa at pwede na kaming umuwi ulit. I thought I already stop my feelings for her but the moment that I heard her name sa isa sa studyante ng school na pinasukan ko parang bumalik lahat. 

I am taking Engineering just like my father. I want to be like him. Kahit na naoperahan siya he still continue being an engineer. And I salute him for that.

But just like before wala pa rin talaga, talo na ako. Noon pa nga lang hindi pa ako nagsisimula talo na ako. Alam ko naman na possibleng mahalin nila ang isa't isa at alam ko na yung parte ko sa storya nilang dalawa. 

That's why I ended up being my first love's friend until the man she love came back. I will admit I tried making her fall for me pero wala talaga e. Mahirap kalaban si Avilla. 

 I know that after knowing what I feel alam kong ingat na ingat sa lahat ng mga sasabihin niya si Saffira dahil ayaw niyang masaktan ako ng dahil sa kanya o kaya mawala sa tabi niya. But I will not do that. 

Kahit nasasaktan na ako na nakikita siyang nasasaktan dahil sa lalaking mahal niya pipiliin ko pa ding manatili sa tabi niya.

 Kahit bilang kaibigan lang. 

"You know Stel, you're hopeless." Sabi ni Alli ng makita niya ako dito sa cafeteria. Hindi ko talaga alam bakit feeling close sa'kin 'tong babaeng 'to e. 

Sa pagkakaalam ko kasi kanila Saffira siya close and not me. I somewhat hate her dahil sa mga naririnig ko na ginawa niya kay Saffira. But what can I do? They are now friends.

"Ano ba pinagsasabi mo diyan?" tanong ko sa kaniya at uminom ng lang ng juice na binili ko. It's been 2 years since that Avilla left at wala akong ginawa kung hindi pagaanin yung loob ni Saffira para hindi siya maging malungkot sa loob ng 2 years. 

"Kahit na alam mo na ang magiging ending ng storyang pinasukan mo, patuloy ka pa din. You are just like killing yourself slowly." Yun lang ang sinabi niya at inagaw yung juice na binili ko. 

Embracing Your PoisonWhere stories live. Discover now