21

178 5 0
                                    


"Ang hindi ko pa din talaga maisip na pangalan ni Amstel nasa balat na ng babaeng yan!" sigaw ni Sheka habang nandito kami sa Diamonds lahat.

May pa baby shower at gender reveal sila dahil last week ng February baka manganak na si Sheka and it's November already at ngayon lang nila naisipang alamin yung gender.

"Ano ka ba, mas magulat ka na halos hindi na natin makita si Amstel." Eunice said at automatic naman na napairap ako doon.

"Busy sa pinapatayo niyang bahay at may maganda ata siyang architect kaya mukhang nag-eenjoy." Bitter na kung bitter dahil simula noong makita ko yung eksena nilang dalawa doon talagang kumukulo na yung dugo ko.

At nalaman ko din mula kay Nigel na architect din daw yun at yun yung Chari napatanong na nga lang din ako kung bakit hindi siya ang naging architect pero mukhang may certain request si Amstel na babae ang mas magaling. Bakit yung architect na ba na yun ang ititira niya sa bahay niya? 

"Wow, Veronica Adella akala ko gandang ganda ka sa sarili mo?" Alli said kaya inirapan ko muna siya bago sagutin.

"Of course mas maganda ako, yun nga lang mukha lang siyang paa ko, alam mo na lahat pa din sa'kin maganda kaya swerte niya na nga." I said and they all laugh. Alam ko namang sanay na sanay na sila sa mataray na ugali ko.

At mas lalo talagang tumaray ang ugali ko matapos makita si Amstel na tumatawa kasama yung babaeng yun at nalaman ko din na usap usapan daw na may gusto yung babeng yun kay Amstel. And thinking that nagawa kong mahalin ako ni Amstel hindi na impossible sa kanya yun.

"Sa selos parang gusto ng ipaalis yung tattoo niya." Raiven said at sinamaan ko naman siya ng tingin doon. Nakita kasi nilang hindi kita yung tattoo sa wrist ko dahil talagang tinakpan ko yun ng concealer my gosh naubos pa nga. Ang dami ko na din kayang nasasayang na concealer.

Parang bigla kong nakalimutan yung sinabi ni Tina about it na kung ipapalagay ko kailangan kaya ko yung magtagal sa balat ko pero dahil sa galit at inis ko sa nakita ko parang gusto ko na ipatanggal agad.

Akala ko pa naman magiging katulad ko siya na kahit isang beses hindi pinagsisihan yung hindi paniniwala sa kanya. At siya mukhang okay lang naman pala.

Nung si Saffira ang minahal parang hirap na hirap siyang kalimutan ngayon na ako na parang ang dali lang sa kanya.

"Amstel!! Long time no see!" sigaw nilang lahat sa lalaking kakapasok lang wearing a blue polo shirt and a maong pants at hindi siya nakaglasses ngayon ang his hair is push back kaya hindi tumatama sa mata niya.

"Seryoso ba?" Natatawang tanong niya kaya napairap na lang ako doon at nakita ko kung paano tumawa si Saffira and also Kalen. Itong dalawa kaming dalawa ata ni Amstel ang trip.

"Oo, parang sa loob ng isang buwan ngayon na lang kita nakita." Eunice said at hindi naman maka agree ang asawa dahil madalas nanan ata silang magkita ni Amstel.

"Busy lang." he said ar natawa naman ako doon kaya nagtaka ako na lahat sila tumahimik at nakatingin sa'kin. "Save the chitchats later guys, Saffira Diamond palabas nung pagkain gutom na ako." I said with my masungit face.

"Uy teh, kain na kain ka na ba? Alamin mo muna gender ng anak ko." Sheka said kaya napasimangot na lang ako doon at hindi na sumagot dahil hindi ako mananalo kay Shekainah.

Ang daming pakulo ni Shekainah at may parang aquarium pa at may mga nagkalat ng shells at nasa loob daw nun is yung gender ng anak nila. Pero sa dami nun hindi ko alam kung kailan kami matatapos.

Nauna na silang lahat at hanggang ngayon hindi pa din nila nakukuha kaya nakijoin na ako at nilubog yung kamay ko doon at nakailang kuha pa ako bago makuha yung hinahanap nila.

Embracing Your PoisonWhere stories live. Discover now