23

220 6 1
                                    


New year came and Amstel and I celebrate it together with our family. Sa mga lumipas na araw I can see to Amstel that he is really trying his best to show me na ako talaga kahit na hindi niya naman na kailangang gawin yun dahil naniniwala naman ako.

"Saan na sila?" tanong ko kay Saffira dahil kami pa lang dalawa ang nandito sa Diamonds at pati boyfriend niya wala pa din kaya kanina pa nakasimangot sa harap ko.

"Expect mo ng matagal yung mga yun, lalo na si Shekainah na mukha ng manganganak ang itsura." Saffira said while pouting at nakatingin sa phone niya na nasa lamesa lang.

"Boyfriend mo?" tanong ko sa kanya at nakita ko namang napairap siya doon.

"Late daw." Yun lang ang sinabi niya kaya natawa na lang ako kaya tiningnan niya ako ng masama and I don't know pero parang nakita ko si Kalen sa pagsama niya ng tingin sa'kin. Yun na ba talaga nagagawa pag mahal niyo isa't isa?

"Mag-kaaway kayo?" tanong ko at umiling naman siya doon.

"Manliligaw mo naman nasaan?" she ask and on cue dumating si Amstel na kakagaling lang sa site at mabilis na tumingin sa'kin at nagtaka sa nakasimangot na mukha ni Saffira.

"Inaway mo ba yan?" bulong niya agad sa'kin kaya natawa naman ako dahil mukha ba akong aawayin yana edi kami ni Kalen ang nag-away.

"Do I look like nang-aaway?" tanong ko sa kanya at nakangising tumango naman siya sa'kin.

"Sungit mo kaya, ako nga inaway mo unang beses pa lang naman natin nagkita, yung pasensya mo kasing nipis lang ata ng sinulid." he said and laugh habang ako naman napanganga na lang at masama ng tingin sa kanya.

"Really, Amstel?" I ask at nakita ko namang parang kinabahan na siya doon at umubo na lang at umayos ng upo at kinuha yung kamay ko and play with it.

"Mukha mo Saffira, ayusin mo nga." Amstel said.

"Pakialam mo ba sa maganda kong mukha? Just mind that Veronica. Bwiset ako ngayon." she said kaya nagpigil na lang ako na matawa dahil simula nang makilala ko si Saffira ngayon ko lang siya nakitang ganyan.

Mukhang may susuyuin si Kalen.

"Poor Kalen." I said at pareho silang napatingim sa'kin. Si Saffira na nagtataka na at si Amstel na masama na ang tingin sa'kin. "What?" tanong ko at sumimangot na lang si Saffira at si Amstel naman inirapan na lang ako.

Dumating na ang lahat pati si Sheka na bantay sarado ni Red because next month baka manganak na siya and Raiven and Van are busy to their wedding preparation kaya ngayon na lang ulit kami nagkita kita.

"Baka naman mapa-anak  ka ng wala sa oras sa kasal ko Shekainah!" Raiven said ang wedding naman nila is second week ng February at ang due naman ni Sheka is last week of February but who knows baka mapaaga.

"Ano tingin mo sa anak ko excited ng lumabas at makita kayo? At sa kasal mo pa? Special ka?" Sheka said kaya napailing na lang ako.

Wala pa din si Kalen ngayon dahil mukhang may meeting daw at si Saffira naman mukhang nakalimutan ng wala pa yung boyfriend niya at nakijoin na lang sa lahat.

Tiningnan ko si Amstel na nasa tabi ko at nakikitawa lang na hindi na binibitawan yung kamay ko. Tintigan ko yun pati yung pangalan ko na nasa kaliwang kamay niya. Hindi ko pa natatanong sa kanya bakit ba naisipan niyang ipalagay yan is it the same reason as mine?

"Amstel," I call him kaya napalingon siya sa'kin.

"What? Nabanggit mo din pangalan ko. Puro ka kasi Kalen." he said at natawa naman ako kaya naman pala tahimik na naman dahil nagselos na pala.

Embracing Your PoisonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon