22

206 5 0
                                    


I roam my eyes around the area and all of them looks like they are already listening to what I was about to say. Tumingin ako sa pwesto ng mga kaibigan ko at lahat sila parang excited na excited ng marinig sasabihin ko dahil alam na nilang damay sila. Mga bwiset! Gusto lang ata makitang maging sweet ako sa kanila at hindi nagsusungit. Napatingin ako kay Amstel na nakahawak lang sa wine glass at tinitingnan yung wine na nandoon.

Nakakainggit naman yung wine tinitingnan niya ng ganyan.

"Okay, I am so happy ng sabihin ni Mommy na we will live here already. It was because pakiramdam ko this is where I belong hindi sa lugar na kung saan parang panghuhusga lang naman ang naririnig ko. I am happy to celebrate christmas sa mga taong naging mahalaga na sa'kin. I met friends." I said and point at at my friends na mukhang proud na at kahit si Sheka nakikikaway na din.

"This is my first chrismas na sobrang dami ng kasama. Dahil noon apat lang naman kami well not until nakilala ko ang isang Kalen Angelo kaya kahit hindi ko na siya makita okay na apat taon ko na din naman siyang nakasama." I said and all of them laugh at dalawang tao lang ang hindi tumatawa. Si Kalen na sinasamaan na ako ng tingin at si Amstel na wala lang imik.

"But to tell you honestly, si Kalen ang naging simula ng lahat kung bakit may ganitong Veronica Adella sa harap niyo. He is my first friend and he also introduced me to his friends na ngayon handa na ding makipag-away pag may umapi sa'kin." I said and laugh at proud talaga sila.

"Sumama ako kay Kalen na bumalik dito matulungan lang siya na makuha yung babaeng mahal niya. I even get mad at certain person... Kasi akala ko inaagaw niya na si Saffira kay Kalen e. Umuwi ako dito ng hindi naiisip na mararamdaman ko yung ganitong saya. Feeling ko nga simula nung pumunta ako dito naramdaman ko na lahat mg pwedeng maramdaman. At kasama doon yung pain." I stop talking dahil nakita kong parang natigilan na si Amstel doon.

I will prove to you Amstel na kaya ko pa ding maniwala sa'yo. And thank you for the time you gave me.

"Sinong mag-aakala na yung lalaking inaway ko lang kasi akala ko inaagawan niya na yung kaibigan ko yun din pala lalaking lalason sa'kin. He told me nung una kaming nagkita na mukhang daw akong babaeng may lason sa utak. Imagine sa ganda ko someone will told me something like that. Do I look like someone who has poison?" I ask at lahat sila nagtawanan doon. I look at Amstel na nakatingin na pala sa'kin.

"But I am not the only person who has poison sa'ming dalawa... Also him. I am saying all of these because I want everyone to know what I've been through bago niyo ko makitang nakatayo dito." I said and smile at them.

"I am just a woman who fell to a broken hearted man but it turns out ako pa pala ang mas sumira sa kanya. I am the one who broke him the most. And I am just also a woman who is always alone in the corner not until I met my friends. Hindi lang lalaking mamahalin ang nahanap ko also friend that I've always wanted." I said and stop my tears from falling by biting my lower lip.

"That's it, Merry Christmas to all." I said at inabot na ulit kay Mommy yung mic and she is already smiling at me looking proud.

Mabilis akong bumalik sa table namin at yung mga babae naman mabilis na yumakap sa akin na mukhang natouch pa sa sinabi ko kahit si Alli na madalas hindi ko makasundo talaga dahil feeling ko parehas kami ng ugali. Well si Sheka talaga kaparehas niya dahil sa ingay.

"Ganun ka na ba kasawa sa'kin, Veronica?" tanong ni Kalen sakin at tinawanan ko na lang naman siya. "Sige, next year hindi na ako magpapakita sayo." Mas lalo akong natawa doon. 

"As if naman kaya mo." sabi ko at inirapan niya lang naman ako at umakbay na lang kay Saffira.

I look at Amstel na nakatitig na pala sa'kin at yung mata niya may iba't ibang emosyon na pinapakita sa ngayon. At hindi ko mabasa lahat ng yun. Bumaba yung tingin ko sa kamay niya at doon ko nakita sa gilid ng wrist niya yung pangalan ko na nakacursive kaya may mahabang linya sa dulo. Manipis lang yung mga letra. Just like mine.

Embracing Your PoisonWhere stories live. Discover now