Prologue

3.1K 101 124
                                    

DISCLAIMER:

This is a purely fanfictional story about Ken Suson and Stell Ajero of SB19. Anything written in this story is coincidental. Names, events, things, etc are not intentionally written (living or dead) You may encounter a lot of typographical and grammatical error. 

Summary

Ken Suson and Stell Ajero, both members of the famous ppop boy group SB19. What if their so called friendship turns into a relationship? What if the BEST PAL thing is more than being brothers?

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ken's POV

"Nagbibiro ka ba? Alam mo ba yang pinagsasabi mo?"-rinig na rinig ko ang pagkagulat sa tono ng pananalita ni Stell.

"What if seryoso nga eh?"

"Buang ka talaga, Felip Jhon."-ayaaan na naman siya, ayan na naman siya sa pagtawag sakin sa buong pangalan ko.

"Seryoso nga kasi. Gusto kita."

"Ken hindi ka na nakakatuwa."-pagbabanta pa nito at medyo umiiwas sa akin.

"Parang tanga ka naman Stell. Totoo nga, bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Hindi tayo talo, pal."-masakit sa akin marinig ang katagang yun mula kay Stell pero wala akong pwedeng gawin kundi tumawa.

"HAHAHAHAHAHAHAHA. siyempre joke lang."-pagbawi ko sa sinabi kong gusto ko siya at pinalitan ng malakas na pagtawa.

"Nabubuang ka na naman."-sabay batok nito sa akin.

"Game last round."-sigaw ni Pablo hudyat para sa huling practice for today.

Sabay sabay kami sa pag-indayog, practice nga pala to para sa upcoming event namin sa isang sikat na mall.

Halos buong araw na ang ginugugol namin. Minsan nga ay madaling araw na din kami nakakauwi dahil dumadagsa na ang mga taong naniniwala sa amin.

"Pre, dun na ako makituloy sa inyo ngayon?"-tawag ko kay Josh.

"Sige ba. May dala ka namang gamit diba?"-sang-ayon naman nito.

Madalas akong makitulog sa mga kamiyembro ko lalo kay Stell at Josh. Minsan kasi ay nakakalungkot lang din sa condo mag-isa kaya napagpapasyahan kong makituloy sa kanila.

"Bat di na lang sa condo?"-tanong ni Stell.

Kung sabagay, mas madalas ako sa kaniya kaysa kay Josh. Kaya nga siguro nahulog din ako sa kaniya.

"Hindi, okay na kila Josh."-bigkas ko dito sabay tapik sa likod ni Josh.

Tama, siguro dapat iwas iwasan ko ang pagiging malapit masyado kay Stell para unti unti na ding mawala ang nararamdaman ko.

Pagkatapos magpractice ay inabutan ako ni Stell ng bimpo para makapagpunas ng mga pawis.

The first thing i admired about him is ayan yung pagiging maalaga niya. Parang tanga lang na alam ko namang natural sa kaniya yun kahit kaninong tao pero nahulog pa rin ako dun.

Si Stell ang sunshine boy ng grupo, ng a'tin, ng family niya. Natural kasi na mapapatawa at mapapasaya ka niya sa mga simpleng galawan niya. Hindi ko naisip na aabot ako sa punto ng buhay ko na magkakagusto ako sa lalaki.

Simula bata pa lang ako alam ko sa sarili ko, babae ang gusto ko. Nagkaron na din ako ng past relationships at never pumasok sa isip ko na mainlove sa kapwa lalaki ko.

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now