Chapter 22 - X

839 39 185
                                    

Stell's POV

"Hoy! Nandito na daw si Ken sa pinas. May nakakita sa kaniya sa isang grocery"-bungad sa akin ni Josh na kadarating lang sa condo ko.

"Oh? Anong gusto mong gawin ko?"-masungit na sagot ko.

"Napakasungit mo naman. Binalita ko lang. Baka gusto mo lang malaman."

"Any time soon baka may magoffer ng comeback for us. Alam mo na. Lalo Sony. They are so waiting for this to happen."-sabi naman ni Jah na sinangayunan naman namin ni Josh.

"If ever ba g ka?"-tanong ni Josh.

"Matagal na iyon no. Oo naman. Para sa A'TIN at Berries."

--------------

"Kuro, Naya ito foods ha, ito water. Sandali lang ako. Babalikan ko kayo dito mamaya then uuwi na tayo sa condo. Sandali lang promise. Oh chuchay, bantayan mo to ha. Aalis muna ako."-paalam ko kila Chuchay kabilang sina mama.

Mabilis ring nakarating ang grab sa meeting place. Potek. Late na late na ako.

"Huy sorry late ako. Shuta kasi si Kuro tsaka si Naya ayaw magpaiwan."-casual kong sabi.

Nagtama ang mata namin ni Ken. I was shocked he's here na.

Isa isa kong niyakap si Jah, Josh at Pablo. Ngunit para hindi maging awkward ay yumakap din ako sa kaniya since tumayo na rin siya sabay beso.

"K-kumusta?"-sinubukan kong hindi magstutter pero hindi ko napigilan.

Pero parang mailap si Ken.

"Good."-malamig ang tono ng pagkakasagot niya.

"Ah eh, ayun. G ba kayo?"-binasag ni Jah sa wakas ang katahimikan.

"Oo naman noh! Malay mo mabalik na tayo?"-hay pau is still thinking about reconnecting.

Isa rin kasi talaga si Pau sa sobrang nasaktan nung naghiwalay ang grupo.

"Sus, eh baka panandalian lang ito si Ken dito."-sabi naman ni Josh.

"Haha. No! Im staying for good."-nagulat ako sa sinabi niya.

So dito na siya? Hinding hindi na siya uuwi sa US?

"Ayun oh! Malaki chance na bumalik tayo."-sabi ni Pau.

"Kumusta ka?"-I cant help myself but to ask him. He looks different. 

Napansin ko siyang tinitingnan sila Josh para bang iniisip sino doon ang kausap ko.

"Oo, ikaw. Kumusta ka na?"-talagang tinitigan ko siya para malaman ko ang sagot niya kasi he really looks strange.

"A-ako? Ah i-im good. I-ikaw ba?"-there you go, nakita ko na yung Ken na kilala ko.

"Buti bumalik ka."-no other meaning, gusto ko lang malaman niya na happy akong bumalik siya.

Biglang nagring ang phone niya at aligaga naman siyang sumagot.

"Excuse ha, take ko na to dito."-he said. sobrang importante nun kung sino man yun dahil hindi niya na nagawang lumayo para sagutin iyon.

"Hello? Oh yes, babe? Any problem?"-rinig naming panimula ni Ken.

Babe? Oh okay. I guess sila pa rin. Wow. Going strong.

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now