Chapter 19 - After all.

814 42 173
                                    

Ken's POV

5 years after.

Kumusta na kaya siya?

Kumusta na kaya sila?

5 years had passed, okay pa kaya sila?

Agad kong binuklat ang social media ko na maluwag ko ng mahahawakan ngayon.

"Wooah. May anak na si Josue."-napaisip ako.

Pero isang lalaki ang umagaw ng atensyon ko. Si Stell.

Napakagwapo pa rin niya.

Nangungusap pa rin ang mga mata niya.

Siya pa rin ang nagpapatibok ng puso ko hanggang ngayon.

Binyag ng anak ni Josue kaya pala magkakasama sila nila Jah.

Naiisip pa kaya nila ako?

Naisip kong buksan ang facebook ni Stell. Mukhang handa naman na ako sa kahit anong makita ko.

Parang dinurog ang puso ko noong makita ko ang profile picture niya. Sinusuotan niya ng singsing si....

Si Gelou.

So sila pa din ang nagkatuluyan?

Tho i tried checking his profile pero nakaprivate kaya tanging profile picture niya lang ang nakita ko. Nakaprivate miski likes and comments.

Pero....

Akala ko hihintayin niya ako. Akala ko hindi niya ako papalitan. Akala ko, ako.

Gustong gusto kong magwala. Gusto kong sisihin lahat ng nangyari sa buhay ko.

Bakit?

Paano?

Ang daming tanong sa isip ko. Paano niya nakaya? Paano niya ako nakalimutan? Paano niya ako naipagpalit?

Kasi ako, hindi pumasok sa isip ko iyan. Sa pitong taon ko sa America wala akong ibang minahal kundi siya.

"Ayoko ngang ipaalam sa iyo. Masasaktan ka lang."-sabi ni Mav na alam pala ang lahat.

"So yung sinasabi niyo sa akin ni James e puro mema? Para lang hindi ako masaktan? Sana kung noon pa lang sinabi niyo na sa akin edi sana nakamove on na ako ngayon."-mariin kong wika sa kanilang tatlo.

"Beshy sorry. Tingin lang namin ni Mav hindi makakabuti sa iyo na malaman pa. Masisira lang yung career mo nun."-pagpapaliwanag naman ni James.

"So wala na pala talaga akong babalikan pa dito? Bakit pa ako bumalik dito?"

"Para sa SPS, para sa mga sisiw. Para sa family mo."-wika naman ni Joshuel.

"Si Stell ang dahilan ko kung bakit ako umuwi. Si Stell ang pinangakuan ko na babalik ako. Si Stell at hindi kahit na sino."

"Felip, tanggapin mo na. Wala na. Hindi ka na niya mahal. Ikakasal na siya. Hindi ka na niya hinintay. Tanggapin mo kahit masakit."-parang sinasaksak ng paulit ulit ang puso ko sa naririnig ko mula kay Mav.

What's Wrong With Loving You? | KenTellKde žijí příběhy. Začni objevovat