Chapter 5

1.4K 58 260
                                    

Josh's POV

"Eh lalove kamusta na ba yon si Ken?"-tanong ni Jah sa akin habang nagmamaneho papunta sa studio.

"Si Ken? Okay naman yon. Bakit?"

"Seryoso ba talaga siya?"

"Saan lalove? Seryoso saan?"

"Kay Stell. Gusto ba talaga ni Ken si Stell."

"Oo nga po. Pero parang medyo confused pa si Ken love eh. Hindi kagaya ko nung umamin ako sa iyo nun super buo na loob ko, confirmed na, lahat ng tanong ko nasagot na. Si Ken medyo may doubt pa."

"Alam mo naman bubog ni Stell sa ganitong relasyon diba?"-bigla kong naalala yun dahil sa sinabi ni Jah.

"Tingin mo ba dapat sabihin ko kay Ken?"

Napaisip lang tuloy ako habang nasa byahe kami. Ang hirap sa ganitong sitwasyon sa totoo lang.

Kahit sabihin pa nating mahal kami ng A'TIN, maiintindihan kami ng mga tao sa paligid namin.... mahirap pa rin.

Kami nga ni Jah 2 taon... dalawang taon ng nagtatago.

Si Stell matagal ko ng kaibigan, lahat lahat alam ko na sa kaniya. Sa kaniya ko rin sinabi lahat about sa amin ni Justin.

Everyone might judge us kaya nga kami tago ni Jah. Natatakot kaming hindi maintindihan at hindi tanggapin.

Stell was the most fluid and open minded person na nakilala ko.

About sa bubog?

Stell is actually open to love kahit anong gender.... girl, boy, lesbian, gay, trans, lahat ng part ng lgbtqia+

He had some ex girlfriends before pero never pa siyang nagkaroon ng super duper serious relationship not until Greyson came into his life.

Greyson was our co trainee before. Si Grey ang dumurog sa puso ni Stell. And ano pa bang bago? Walang may alam. Magkakasama kami pero walang nakaalam.

Grey opened Stell's eyes about our world. Dun mas natanggap ni Stell na ang pagmamahal ay pwede sa kahit na sino.

But they were never in a relationship.

That's what broke his heart.

And alam niyo kung anong mas masakit? He can't cry kasi walang may alam.

Ang nakakaalam lang ay ako at si Jah. Si Pablo? Hindi niya alam ang lahat. Grey and Stell's hidden relationship, Jah and I's hidden relationship... Pamilya ni Stell? Lalong hindi. Ayaw ni Stell masaktan ang parents niya by saying na nasasaktan siya sa lalaki.

And my job as his friend is to listen to him, comfort him and protect him.

Alam ko hanggang ngayon buo pa rin yung sugat na ginawa ni Grey sa kaniya.

They were talking for 6 freaking months tapos biglang wala na. Ghinost siya. Umalis na sa company. Wala na si Grey kasama yung mga pangarap niya.

I sometimes feel guilty kapag nakikita niya kaming masaya, malungkot, nag aaway, nagcecelebrate ni Jah. Feeling ko bumabalik lahat ng fear niya.

The moment that I knew Ken has a feelings for him medyo nawala ng kaunti yung tinik sa lalamunan ko.

Finally, my bestfriend will be having someone who can love him.

Kaya lang, natatakot ako para sa kanilang dalawa.

Simula nung mabuo ang SB19, they became the closest to each other. Tama ang A'TIN, sila ang happy pill ng isa't isa. Kaya natatakot akong kapag sumugal sila baka magkasakitan lang sila at mawala kung anong meron sila.

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now