Chapter 23 - Let Me Explain

1.2K 50 193
                                    

Ken's POV

Kakausapin ko na ba agad? Magpaalam akong liligawan ko ulit siya? Hmmm.

"Eh bro, never naman kasi din kayong nagbreak. I mean, dapat talaga mag usap kayo."-sa wakas may matino ring nasabi to si Mav.

"Oo nga, malay mo hinintay ka talaga nung tao kaya joyful siya sa meeting tapos sinungitan mo dahil sa maling akala. Haaaay"-banat naman ni Joshuel.

"Eh kasalanan niyo iyon mga mokong! Pero paano kung nakamove on na? Paano kung natanggap niya na?"

"Ken, bro napakaimposible. Pucha! Ikaw nga eh, napakadaming chikabebe o kaya kahit napakagwapong lalaki sa US wala kang pinatos kahit isa. Kahit flirt, kahit fun, kahit hookups. Si Stell pa kaya?"

"Hindi ba naman mabibigla iyon kapag kinausap ko siya agad?"

"Simulan mo paunti unti. Sunduin mo, dalhan mo ng pagkain. Jusko naman Ken, parang bago naman. Hindi nakakaangas."-sabi ni Mav

10AM ang call time namin bukas. Aagahan ko ang gising para madaanan si Stell at isabay na papunta sa In The Zone.

---------------------

On the way na ako kila Stell pero nag drive thru muna ako para may makain siya habang nagbabyahe.

Tinawagan ko siya sa messenger.

"Hi. Good morning. Dito ako sa baba ng condo mo. Baka gusto mo lang sumabay kasi diba sira yung auto mo?"-dirediretso kong sabi pagbukas ng linya.

"Ay ganun ba? Sorry ha, on the way na kasi ako sa studio. Hindi ka naman kasi nagsabi."

Okay lang. Mali ko talaga iyon.

Dumiretso na ako sa studio. Buti na lang may dala akong pagkain im sure hindi nagbreakfast iyon.

Pagpasok ko ay bumalik lahat ng alaala. Wala pa sila at si Stell pa lang ang nandito.

"Stell, good morning. Bumili ako ng chicken and spag sa drive thru just in case hindi ka pa nagbebreakfast."

"Uy, good morning. Sorry, diet ako eh. Nag granola na ako sa condo before going here. Pero thank you."

Sobrang joyful pa rin ng aura niya pero there is something wrong.

Nakita kong tinitingnan niya ang mga awards na sa kaniya napunta. Ibinalik niya na sa stand iyon.

"Nakakamiss."-pasaring ko.

"Oo nga eh. Nakakamiss din ang A'TIN."-sabi naman ni Stell.

"I miss y..."

Naputol ang sasabihin ko sa pagbukas ng pinto. Sabay sabay dumating si Jah, Josh at Pablo.

"Hoy. Nagjollibee kayo? Duga ha."-sabi ni Pablo noong makita ang spag sa mesa.

"Hindi, binili ko lang sana kay Stell kasi dinaanan ko siya sa condo eh nakaalis na pala siya and diet pala siya. Sa iyo na lang, Pau."-sabi ko pa dito.

"Ayun sabi ni Ms.Joy the songs are up to us. Siyempre ipeperform natin mga song natin. Tapos dalawang cover tapos solo solo."-pagpapaliwanag ni Pablo.

He still got the power. I mean the attitude of a leader.

Go Up
Alab
Hanggang sa Huli
Tilaluha
Mana
Bazinga
What?
WYAT
Nyebe
SLMT

Ayan ang mga ipeperform namin.

"Eh sa covers?"-tanong naman ni Jah.

"Parang ang sarap ibalik nung Bakit Pa Ba by JayR"-suhestiyon ni Josh.

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now