Chapter 2

1.4K 56 68
                                    

"Bakit ka naman magseselos kay Pau? Buang. Alam mo naman na close talaga sila ni Stell." -kinaltukan ako ni Josh habang sinasabi yon.

Oo nga naman kasi bakit ba ako magseselos eh bukod sa close talaga sila, kaibigan ko rin naman si pau.

"Hoy mga ser!"-tawag ni Stell sa amin na parang excited na excited.

"Naaalala niyo to?"- isa pang batang tuwang tuwa.

Yung lie detector... Hmm. Saan naman nila nahagilap iyon?

"Tara laro tayo. Mamaya pa naman practice."-yaya ni Stell na ang cute cute.

"Tara."-lumabas na din nag inner childish side ni Josh.

Ginaya lang namin kung paano namin ito ginawa sa showbreak episode noon. Nauna si Jah. Ang kaibahan lang ngayon, walang nakahandang papel o tanong. Gawa gawa lang namin.

"Jah!!! May time ba na napikon ka or gusto mo ng sumabog sa kulit namin paminsan?"-unang tanong pa lang ni Pablo ay seryoso na kaagad.

"Wala!"-confident na sagot ni Jah.

Sa aming lima naman si Jah talaga yung pinakamaintindihin, pinakamabait siyemrpe bunso. Hindi siya nakuryente.

Sumunod dun si Stell. Kabado siya dahil noong ginawa namin ito dati ay isang beses lang ata siyang tumama.

"Lulubog na ang barko. Isa lang nag pwede mong iligtas. Si Ken o si Pau?"-loko loko. may laman talaga yung tanong ni Josh.

Parang umarteng nahihirapan mag isip itong si Stell.

"Si Pau"-natatawa tawa pa niyang sabi.

Nagtama naman ang tingin namin ni Josh samantalang tumawa si Pablo at Jah.

Nakuryente si Stell.

"Tsk tsk tsk. Dati parang ganiyan din yung tanong sa kaniya eh, kung lulubog barko si Ken ang una mong ililigtas, tas sabi ni Stell false. Tas nakuryente. HAHAHA ikaw ha si Ken pa gusto mo lagi isave."-pang aasar naman ni Jah kay Stell.

"Sinungaling to talaga. Sinungaling."-sabi naman ni Stell sa lie detector.

Naghagalpakan lang kami kakatawa.

Baliw ba ako kung maniniwala ako sa resulta ng lie detector?

Sumunod naman si Pablo.

"Minsan ba gusto mo na sapakin si Josh"-tanong ni Jah na nag eenjoy tuwing nagbabardagulan yung dalawa.

"Hoy hindi. Mahal ko pa rin iyan."-nakakatawa ang way ng pagkakasabi ni Pablo don.

Tama ang sagot niya. Hindi siya nakuryente.

Sumunod naman don si Josh.

"Minsan ba pre naiisip mo na na magkaron ng normal na buhay ulit?"-seryosong tanong ni Pablo.

"Hindi."-simpleng sagot naman ni Josh.

Hindi rin siya nakuryente. Aba! Himala na hindi sila mga nasisipagkuryentihan ha.

Ako na ang huling sasalang at kinakabahan ako sa mga tanong na pwedeng ibato nila.

"Ken, since lagi kang hindi nakukuryente non meaning honest ka. Pero, natry mo na bang magsinungaling sa taong mahal mo?"-nagulat ako sa tanong ni Stell.

May laman ba ang tanong niya?

Overthinker lang siguro ako?

"Yes."-as usual confident at honest kong sinagot ang tanong.

Oo, nagsinungaling na ako sa taong mahal ko. Sayo, Stell.

Hindi na naman ako nakuryente.

"GRABE SI KEN DI NA NAMAN NAKURYENTE. IKAW NA NGA LANG TALAGA DAPAT TANUNGIN."-pagtutok ni Pablo sa lie detector.

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now