Chapter 16 - Palayo

1.1K 47 178
                                    

Ken's POV

Ang bilis ng araw. Kahahatid lang namin kay Mamang at Ate sa airport. Babalik na sila sa CDO. Ako naman ito nagbook na ng grab padiretso sa studio para sa choreo rehearsal. Si Stell naman ay mag gagrab na din pauwi sa condo.

Bukas ang alis ko papunta sa shooting place ng palayo. 3 araw kaming magsstay don para sa shoot.

Meaning tatlong araw na wala si Stell. 

"Ken! Dre! Angas. Nakikita ko na solid baliw talaga A'TIN nito."-sabi ni Keith na isa sa da best na baback up sa akin sa sayaw.

"Mas maangas ka dre."-biro ko dito.

"Ikaw pa rin papi."-banat naman ni Keith.

"Oh nandiyan ka na? Mag rehearse na kayo. Kapag perfect na need natin ifilm yung rehearsal piece para maiupload natin."-sabi ni Lems, ang assistant.

"Noted, Lems!"-sabi ko naman dito.

Nagulat ako noong bumisita si Pau at Josue.

"Josue!!"-sigaw ko dito sabay fist bump.

"Kumusta? Ayos ba?"-tanong nito.

"Sobrang angas. Salamat sa inyo ni Pau grabe."

"Wala yon. Manonood lang kami ng choreo."-sabi naman ni Pau.

Nagsimula na kami nila Keith sa unang set.

May mga ilang mali pa at medyo need pang ipolish pero 90% na rin kung susumahin.

I just immediately texted Stell to update him na nakawaterbreak kami.

"Sobrang angas ng choreo, Ken. Ikaw lahat yan?"-akbay sa akin ni Pablo.

"Oo, pau. Ayos lang ba?"

"Sobra gagi. Ang angas nga. Magugustuhan ng lahat to kahit casuals."-paninigurado naman ni Pau.

Nagtataka ako matatapos na yung water break pero wala pa ring reply si Stell. Baka tulog. Mamaya magrereply din iyon.

"Paano pala si Stell? Mag isa dun sa condo?"-tanong naman ni Pau

"Oo si Kuro kasama niya."

Kaya medyo inggit din ako kay Jah at Josh eh. Sana all panatag na hindi nag uusap. Ako malingat lang na wala sa paningin ko si Stell napapraning na ako.

After ilang minuto umalis na din si Pau at Josue dahil talagang sumaglit lang sila at tinest ata yung motor na bibilhin niya.

Bumalik na rin kami sa pagpapolish nung sayaw. Inabot rin kami ng ilang oras bago iyon maiperfect.

"Sige. Freshen up. Tas isang bagsak. Then shoot na natin final rehearsal? G?"-tanong ni Lems sa amin.

"G!"-sabay sabay naming sagot.

"Gagi dre, angas pala meaning nung buong song eh. San mo hinugot iyan?"-tanong ni Keith.

I prefer not to answer the question.

"Haha. Wala. Naisip ko lang. Typical na story naman iyan. Nainlove ka tapos manipulative yung partner ganun."

"Sus. Hindi ba yan from experience?"-pang aasar pa nitong si Keith.

"Baliw!"-tanging sagot ko sa kaniya.

After namin magfreshen up ay nag isang set lang kami at diretso take na ng video.

Nakakatuwa kasi isang take lang namin iyon ginawa.

"I think this is enough na for today. Sobrang pagod na kayo. I'll pass this na to the editing team. Bukas start na tayo ng shoot, okay?"-sabi ni Lems sa amin na inagreehan naming lahat.

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now