Chapter 26 - In denial

726 33 85
                                    

Ken's POV

"Maganda naman siyang idea. Kaya lang sure ba kayo dating app talaga?"-rinig na rinig kong bigkas ni Stell habang kausap si Jah at Josh. 

"Ano pa nga ba ang sagot sa pusong makirot? Edi harot."-pang-aasar naman ni Josh

"Oo. Try mo na dump account lang naman. No profile picture, different name. Tapos interest mo everyone so that you can meet women and men."- Si Jah naman ang narinig ko. 

"Ehem."-paramdam ko sa kanila pagpasok ko ng pinto ng studio. 

"Ay Ken, nandiyan ka na pala?"-si Stell agad ang unang pumansin sa akin. 

"Kanina pa, busy-ng busy kayo eh kaya hindi niyo na ako napansin."-mapait kong sambit dito. 

"De kasi par tinuturuan ko mag dating app to si Stell para naman may napaglilibangan."-sabay akbay sa akin ni Josh. 

"Dating app? Is that even safe? Mamaya sino pa makilala niya jan."

Napaubo si Jah sa narinig mula sa akin. 

Tangina may meaning ba yung sinabi ko? Concern lang naman ako, kaibigan ko pa rin si Stell kahit na medyo iniiwasan ko siya lately. 

"I mean diba, mamaya masamang loob pala tapos kapag nagmeet sila may gawing masama kay Stell. Mas better siguro if kilala na niya yung idedate niya."

"So why not date him?"-buyo ni Josh. 

"Josh, ano ka ba?"-paninita naman ni Stell. 

"Nagbibiro lang naman. Nirereto ka na nga eh. Hmp."

"Umalis na si Josh at sumunod naman dito si Jah. Naiwan na naman kami ni Stell dito. Ayokong ayoko pa naman na naiiwan kami ng kaming dalawa lang. Sobrang awkward kasi. Mahal ko si Stell pero alam kong hanggang pagkakaibigan lang iyon. 

"No worries, Ken. Tinatry ko namang kalimutan, kaunting time lang. Mas kaya ko sigurong kalimutan yung nararamdaman ko kaysa tuluyang mawala yung friendship natin diba?"-nagulat ako sa pagsasalita na iyon ni Stell. 

Tanging tango lamang ang naisagot ko dahil hindi ko talaga alam paano paguusapan ang ganoong bagay.

"Hoy Stell, may nakamatch ka, pero parang bi to siya."-sigaw ni Jah habang kinakalikot ang dating app sa cellphone ni Stell. 

Agad namang napataas ang kilay ko. 

Yung logo na apoy pala ang ginagamit ni Stell. Agad kong kinuha ang phone ko at dinownload yun. 

-------------------------------------

Natapos na naman ang araw ng aming rehearsal at umuwi. 

"Anak ka ng tipaklong. Pre! Bakit ka naman hindi nagsasabi?"-gulat na sabi ko kay Mav. 

"Ano pa't binigyan mo ako ng susi ng condo mo kung kailangan ko pang magsabi? Well, makikitulog ako dahil may raket ako bukas near your condo."-paliwanag pa ni kumag. 

Iniwan ko na ang mga gamit ko at dumiretso sa banyo para makaligo na at gusto ko ng humilata. 

Pagkalabas ko ng banyo ay isang titig ang binigay sa akin ni Mav. 

"Gago ka, pre? May pagnanasa ka ba sa akin? Nakakalalaki ka tumingin ha?"-bungad ko dito.

Inangat lang nito ang cellphone ko na nasa kamay niya na. Sabay bukas nito at tumambad sa akin ang apoy na app. 

"So you're into dating apps now huh? Nakalimutan mo na bang ikaw si Ken Suson? Makukuha mo lahat ng gusto mo even without using a dating app."

Tama nga naman si Mav. Pero kasi bakit ko nga ba iyon ininstall? 

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now