Chapter 6

1.4K 62 313
                                    

Ken's POV

tangina, bakit ko ba kasi ginawa yun?

lasing naman for sure si Stell hindi niya maaalala iyon.

buti na lang at tulog pa siya. dali dali akong umalis para makauwi sa condo. hindi ko alam paano mangyayari pag kagising niya kaya mas minabuti ko ng umuwi para walang diskusyon.

Pagkauwi ay isang text ang nareceive ko.

From: Stell
Ken, bakit ka umuwi na? We need to talk.

Ha?

Talk?

Alam niya? Naaalala niya?

Pucha. Im dead.

From: Josh
Congrats, pre! Angas mo umamin.

Tangina?

May guesting kami mamayang hapon sa ASAP. Wala akong magagawa at talagang magkikita at magkikita kami ni Stell.

Hindi ko alam bakit ako kinakabahan. Tangina.

-----------

"Ken!"-seryoso ang tono ni Stell sa pagtawag sa akin.

"yow?"-normal na tanong ko dito.

Puno ng pagtataka ang mukha niya.

"Yung sa kagabi kasi gusto ko sana pag usapan mamaya over a dinner."

Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Kagabi?"-takang sagot ko.

"Yung kagabi."-ngumunguso pa itong sabi.

Alam na alam ko kung ano iyong sinasabi niya.

"Ano yun? Buang. Lasing ata ako kagabi. Wala akong maalala."

Wrong move, Ken. Wrong.

"Hindi mo maa---"

"Come on guys."-sigaw ng floor director.

Lumabas na kami para magperform. Sobrang daming A'TIN grabe. Nakakataba ng puso. 🥺

Todo hataw si Stell as in bigay na bigay. Ano lang ba ang dahilan ni Stell kapag ganiyan. Una, masayang masaya or pangalawa galit.

Makatapos ng aming performance ay kaniya kaniya na rin kaming nagpaalamanan.

"You're lying, aren't you?"-nagulat ako sa bulong ni Stell.

"About saan ba, pal?"

Nagulat ako noong kinayag niya ako. Sumakay kami ng grab pauwi sa kanila.

Pagkapasok pa lang ay inilapag niya na ang gamit niya.

"Hindi mo naaalala nangyari kagabi?"

NAAALALA KO STELL. NAAALALA KO.

"Anon---"

Nagulat ako noong humarap siya at mabilis na inalapat ang labi niya sa labi ko.

"Ayan. That's what happened kagabi. You kissed me."

Para akong naistatwa. Tangina, totoo ba ito? Hinalikan ako ni Stell?

Parang nanlalambot ang tuhod ko.

"K-kasi S-stell...."

"Kasi what? You told me na gusto mo ko. Sinabi mo lahat sakin. Lalo nung hinahawi mo yung buhok ko. Tuwing nalalasing ako laging ganun ginagawa mo. Bakit hindi mo ba kayang sabihin ng harapan sa akin??? Ha???"

Fuck?

Alam niya?

"So ibig mo bang sabihin simula nung unang nalasing ka alam mo na?"

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now