Chapter 9

1.3K 48 102
                                    

Ken's POV

"Babe uuwi ako  sa Las Piñas ngayon. Siguro 2 days."-sabi ni Stell na abalang nag luluto sa kusina.

Napanguso ako.

Paano ako?

Pero syempre pamilya niya yon kailangan niya talaga umuwi lalo pa't miss na miss niya na sila.

"Okay po."-malamig na sabi ko.

"Anong nginunguso nguso mo jan? Kasama ka. Ayon nakaayos na gamit mo."-sabay turo ni Stell sa duffel bag na nakalagay sa sofa.

Ahhhh.

Kasama pala ako. Hehe.

What? Kasama ako?

"Ha? Babe kasama ako? Di ba sila magtataka non?"

"Bakit naman magtataka? Eh ikaw nga paborito ni Mama."-natatawang tono ni Stell.

May parte sa akin na ang selfish ko. Ayokong sumama sa kaniya. Hindi ko magagawang maging sweet at clingy sa kaniya don.

Unlike kapag naiwan ako dito sa condo, pwede ko pa siyang lambingin sa chat.

Pero may parte rin sa aking gusto ko kasi mararanasan ko ulit yung kumpletong pamilya.

Pagkatapos namin mag agahan ni Stell ay agad na rin kaming kumilos at bumyahe papunta sa kanila.

"Nako Ken napakagwapo mo talaga. Ayun eh inayos ko na kwarto ni Lester ha pwede na kayo magpahinga don."-bungad agad ni Tita Mylene sa akin sabay mano naman namin sa kaniya ni Stell.

Hindi naman ito ang first time ko pumunta sa kanila kaya sanay na din ako.

"Kuya Ken!!!"-sigaw ni Chuchay, youngest sister ni Stell.

Inapiran ko lang iyon.

"Magpapahinga ba muna kayo habang nagluluto kami ng tanghalian?"-tanong naman ni Tito Jun.

Hindi ko alam pero parang may iba.

"Pahinga muna kami, pa."-sabi ni Stell sabay kayag sakin sa kwarto niya.

Dati eh ganoon rin naman. Alangan naman sa kwarto ako ng iba dito matulog. Pero hindi ko alam bakit kinakabahan ako ngayon.

"Stell, parang may mali, parang may iba."-sinadya ko siyang tawagin sa pangalan niya dahil nandito kami sa bahay nila.

"Stell??"-nagtatanong ang tono niya.

"Eh b-baka marinig tayo."-pabulong kong sabi.

"Ahh. Anong iba?"-tanong nito habang inaayos ang gamit ko sa cabinet.

"Hindi ko alam. Basta parang may iba. Kinakabahan ako na ewan."

Nagpahinga lang kami ng magkayakap at nagising na lang kami dahil sa katok.

"Babe nilock mo ba yung pinto?"-tanong ni Stell na pupungas pungas pa.

WTF???

"Hindi."

Napatalon na lang ako talaga noong buksan ni Vander yung pinto.

"Sorry. Natutulog ba kayo? Kanina pa kasi ako nakatok. Tawag na kayo sa baba, kakain na daw."-sabi ni Vander samin.

Nakita niya kaya kaming magkayakap?

Naguguluhan ako lalo pa't tumatawa lang itong si Stell sa gilid ko.

"Anong tinatawa mo jan, babe? Hindi ka ba nagwoworry? Nakita ata tayo ng kapatid mo? Paano kapag nagsumbong kila Tita yon?"

Hindi niya masagot ang tanong ko kakatawa. Bakit kaya tawa ng tawa to?

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now