Chapter 24 - Ha?

1.1K 43 83
                                    

Stell's POV

"Baliw. Ang ingay. Natutulog eh."-iritado kong sabi sa kanila.

"Sorry na. Tara na brainstorm na daw."-sabi naman ni Ken sabay kayag sa akin.

"Weird ng panaginip ko dre. Parang ang haba haba kaso hindi ko na maalala yung ibang detail. Iilan na lang naaalala ko."-share ko kay Ken.

Si Ken talaga ang pinakaclose ko sa grupo. Kaya siguro ganun ang naging panaginip ko.

"Gagi pre? Hahahaha. Hoy hindi tayo talo ha!"-sabi naman agad ni Ken.

Oo naman!

Tropa ko siya eh. Talagang wala dapat malisya.

"Baka magkakagirlfriend ka na kaya mo napaniginipan yon."-sabi naman ni Jah na nakikinig pala.

"Eh boyfriend mo nga daw si Josh don eh."-pang aasar naman ni Ken kay Jah.

"Luh. HAHAHAHA."-natatawa lang itong si Jah.

Windang na windang pa din ako sa napaniginipan ko. Napakaweird.

"Guys guys, teka susunod ako. Kausapin ko lang si Amber."-paalam ni Ken.

Part of my dream came back. Potek. Pati pala si Amber nadala sa panaginip ko. At katriangle pa ha.

"Yes, love. Of course."-sabi naman ni Ken kay Amber sa kabilang linya.

"Oh guys, bye daw sabi ni Amber."-sabay lagay ni Ken ng phone sa gitna.

Sabay sabay naman kaming nagsalita.

"Bye, Amber."

Yes.

Long time private girlfriend ni Ken si Amber.

Tangina bakit ako nagkakaganito? Parang hindi ako makamove on sa panaginip ko?

"Wazzup. We're here. Tara na at malelate na kayo sa guesting sa showtime."-sabi naman ni Sir Mac na aming glam team.

"Hi, Sir Stell. Hindi mo na talaga kami kailangan. Ang gwapo gwapo mo na."-sabi naman ni Greyson na assistant ni Sir Mac.

Shuta. Ngayon lang nagkaklaro sa akin yung panaginip ko.

Dala lang talaga siguro ng pagod ito.

Bumyahe na kami papunta sa Its Showtime Studio at kasama din namin magpeperform si Jayda.

"Okay ka lang ba?"-tanong ni Pau sa akin. Nahalata na ata niya yung pagiging tuliro ko.

"O-okay lang, Pau."

Gulong gulo na ako. Napakarandom naman ng panaginip na iyon.

Dala lang siguro talaga ng pagod ito. Sobrang puspos din kasi practice namin lately.

"Pre, makikitulog ako sa iyo mamaya. Sira aircon sa condo bukas pa ata siya magagawa."-paalam ni Ken sa akin.

Familiar.

"Eh kay Amber bakit di dun?"-nagtatakang tanong ko.

"Huwag na don. Di rin kasi kami okay masyado."

Ken treats me as his bestfriend. Kaya nga nauso yung best pal between us. Komportable kasi siya magsabi sa akin ng lahat.

"Oh sige sige. Pero wala akong pagkain dun ngayon ha? Magluluto na lang ako."-pagpapaalam ko sa kaniya.

"Kain na lang tayo sa labas or padeliver."-he instantly said.

Natapos naman ang performance namin.

Hindi na rin kami babalik ng studio at magkakanya kanyang uwi na.

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now