Chapter 18 - World Domination

960 46 88
                                    

Third Person's POV

Sobrang naging maingay ang pangalan ng grupo lalo noong matapos ang Back In The Zone. Kahit pandemya ay hindi naging hadlang iyon para ipakilala ng grupo ang kanilang talento.

Ilang buwan na ang lumipas. Magcocomeback na naman sila para sa kanila bagong single at magkakaroon pa ng concert at world tour.

Ang laki na ng pinagbago nilang lahat. Sobrang successful na sila. Napakarami na ring A'TIN. Iba't ibang endorsement na rin ang mayroon sila. Kilala na sila sa buong mundo.

SB19 is near world domination.

"Grabe noh? Sobrang bilis ng panahon. Parang kahapon lang nagpeperform tayo ng walang nanonood. Tapos ngayon magkikickoff tayo at magwoworld tour."-wika ni Pablo habang nasa shoot sila ng MV nila para sa upcoming single na WYAT.

"Hindi na nga lang din ako makapaniwala minsan eh. Ang layo na natin pero alam kong malayo pa rin."-sabi naman ni Josh.

"Eh pero ano yung plano natin?"-sabay nguso ni Jah kay Stell.

"Plano?"-tanong ni Josh sa nobyo.

"Yung surprise ni Stell kay Ken."-siko ni Jah kay Josh.

"Eh kasi basta ako kunyari may emergency ako, tapos uuwi ako. Tapos idelay niyo pag punta niyo sa condo. Mag aayos muna ako don. Magtetext ako kay Jah kapag okay na."

"Noted."

Bumalik na ang grupo sa pagsushoot. Masaya ang shoot nila. Ang ganda ng tema. Nakakaenjoy kasi nasa aracade sila.

-----------------

Stell's POV

"Ga! Uuwi muna ako may emergency lang. Di naman malala, need lang talaga ako. I'll update you ha. May need pa ata kayo imeeting nila Pau."-bulong ko kay Ken.

"Sure ka? Samahan na kita?"-alam kong dito ako mahihirapan, pipilitin ako nitong sumama siya.

"No na, love. Stay na dito. Uuwi din ako agad."

Tumango lang si Ken at yumakap sa akin.

Kumindat na si Josh sa akin na parang sinasabing sila na ang bahala.

Agad agad akong umuwi sa condo at nagsimulang magprepara. Lahat ng gamit ay naorder ko lang sa lazada. Sa totoo lang si Pablo ang umorder nito dahil hindi pwedeng sa condo ito ideliver.

Parang biglang hindi gumana ang utak ko. Saan ba ako magsisimulaaa? Ah okay! Creamy Chicken Pesto!!!

No!

Uunahin ko ang decoration. Lalamig ang pagkain eh. Okay!

Sinimulan kong lagyan ng hangin yung mga lobong nabili ko. Ang balak ko ay punuin ang paligid ng kwarto.

Kwarto lang ang dedekorasyunan ko.

Naglobo ako ng mga pulang lobo at idinikit yun sa dingding. Sa dulo ng tali ay ibinuhol ko ang mga litrato namin ni Ken. Mga 15 lobo ang nakadikit at 15 picture din ang nakalaylay. Sunod non ay nilobo ko na ang mga katagang "Happy Anniversary, Love!"

Sunod ko naman nilagyan ng rose petals ang kama at inilapag dun ang boquet of roses na binili ko rin para kay Ken kasama ang iba't ibang chocolate na gusto niya.

Sa kama pa rin ay inilapag ko ang boots mula sa Dr.Martens, iba't ibang pants at sweatshirts mula sa Balenciaga at cap mula sa prada.

Mukhang ang dami dami na nung regalo. Sunod naman akong nagpaligo ng petals sa lapag. Sunod naman dun ang mga lobo.

Mabilis ko lang natapos ang decoration kaya agad na akong nagprepare sa pagluluto.

Gusto ko iparanas ang 4 course meal kay Ken na ako ang mismong nag effort.

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now