Chapter 21- In Between Everything

710 32 63
                                    

Stell's POV

Isang linggo na rin simula nung umalis si Ken. Mahirap ang naging desisyon ko pero i think it was all worth it.

"Huy, may nilabas na teaser photo ang Balenciaga ha? Nakita mo?"-tanong ni Gelou sa akin.

Gelou was very worried when she knew what I did.

Simula noon eh halos araw araw bumibisita siya dito sa condo to ask how I am.

"Nakita ko. And im happy. Sobrang proud ko sa kaniya, Ge!"

If Ken is here, gusto kong malaman niya how proud I am. He is a step closer to his dreams.

-------------------

A few months had passed. Sobrang nag boom ang career ni Ken sa US. His old facebook was taken down and he started to create a new one. Parang sinimulan ang bagong mundo niya.

"Siguro may nagmamanage din ng social media niya kasi hindi na siya nakakapagchat din."-sabi ni Jah sa akin.

"Ganun talaga sa US. Career kung career. Pero im so happy for him."-sabi naman ni Pablo.

Ako?

Masaya sobra.

Pero may sakit pa rin, sabi ko sa kaniya noon mabilis lang ang limang taon. Pero ngayon 3 buwan pa lang pero parang napakalayo pa.

Kagaya nga ng sabi ko maghihintay ako. Maghihintay ako hanggang sa pwede na. Hanggang sa makabalik siya.

"Mahal ka non."-gulat ako sa sinabi ni Josh.

"Ha? Im not thinking about him."-depensa ko.

"Mahal ka kako nun. Babalikan ka nun."-patuloy pa rin siya.

"Tingin mo? Eh paano kung makakilala ng mas higit iyon don? Yung mga model na babae dun? Kahit lalaki?"

"Hahaha. Kala ko im not thinking about him? Pero oo nga. Hindi rin. Loyal sa iyo yung si manok eh."

Ahhh!!!

I miss calling him that.

I really miss Ken. I wish i could go there and just hug him.

I tried contacting him through his facebook pero binubura ko din ang messages bago ko pa isend.

Ginawa ko ay isinusulat ko na lang sa notepad ko ang lahat.

Day 93

Hi Love,
Kumusta ka? I saw your ramp earlier. I almost cried. Sobrang galing mo. Sobrang gwapo mo. Taob lahat ng co-models mo. Walang araw na hindi kita inisip, Ken. Walang araw na hindi ako nagsisi sa desisyon ko pero wala rin pala akong pagsisisi kasi look at you now. Sobrang sikat ka na. International model ka na kagaya ng pangarap mo. Hintayin kita, ha? I love you more than everything else.

---------------

"Are you currently dating anyone?"-tanong ng reporter sa isang show sa NY kay Ken.

"Nah, nah. Im too focused in my career."-he said and laughed a bit.

"But you were caught dating with Amber? Lets show you the photo."-the reporter snapped her fingers.

In a snap, lumabas ang photos na nagleak sa social media na pumasok si Ken sa isang resto kasama si Amber, isa ring supermodel. Sumunod ang litrato na magkasama silang nakain sa loob ng resto at nagtatawanan.

"Amber is a really good friend. That's all i can share now."-napakashowbiz na sagot ni Ken.

"But are there any chances for you to court her?"

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now