Chapter 14 - Surprise!

1.3K 47 205
                                    

Pablo's POV

"Gagi Pau, kinakabahan ako. Paano ba yon kasi?"-tanong nitong lalaki sa harap ko.

Bakit ba kasi ako kinukulit nito e namomroblema din ako?

"Medyo mahirap kasi nakakakaba. Alam mo yung need mo iparamdam sa parents niya na mahal mo siya at genuine yung feelings mo."-payo ko naman sa kaniya.

"Parehas kaming lalaki, Pau. Paano kapag ayaw pala nila Tita na bakla si Ken ganon?"

"Hindi natin masasabi hanggat hindi natin susubukan, right? Tsaka knowing you, kayang kaya mo iyan lahat nga ng sb19 momshies gusto ka. Pero diba nasa ibang bansa parents ni Ken? So sa mga tito tita lang muna?"

*1 text message*
From: Isla
Pau, matagal pa training niyo? may aabot akong gift hehe. im waiting here sa convenience store sa baba.

She's really passionate. Wala pa nga siyang idea na may Jayda na sa buhay ko. Siguro naman talagang as a fan lang itong ginagawa niya and not expecting for something.

I have this strong feeling that i might hurt her kapag nalaman niyang may Jayda na sa buhay ko.

"For the overthink?"-rinig kong asar ni Stell

"Ay sorry. Hindi si Isla kasi nagtext."

"Ahhh. Kaya pala hindi mo na ako naririnig. Ano daw sabi?"

"May bibigay daw na gift."

"Hindi kaya naexpect na din si Isla, Pau? I mean aminin na natin sobrang layo ng trato mo sa kaniya sa ibang hotdogs."

Yeah, i know.

"Hindi naman siguro. Casual or friendly meet ups lang naman kami. Like may iaabot siyang gift ganun. And besides she deserve naman yung ganung trato. She's been our fan Tilaluha Era pa lang."

"Osha sige basta bukas ha?? Sasama kayo sa CDO!"-pagpapaalala niya.

Bukas kasi ipapakilala ni Ken ata si Stell sa family niya sa CDO. Idadamay kami dahil siyempre hindi sila pwedeng pumunta don ng sila lang.

After namin matapos ang lahat ng agenda ay agad ko na lang binaba si Isla sa convenience store habang nakain naman yung apat kong kagrupo sa taas.

"Pau, here!"-sabay wagayway niya ng kamay niya.

"Hi. Sorry natagalan sobrang dami namin ginawa."-pagpapaliwanag ko kay Isla.

"No problem. Ito oh, pinagluto kita favorites mo. Tsaka ito pala naalala lang kita nung nakita ko siya kaya i decided to buy it and give it to you."-inabot nito sa akin ang insulated na lunch bag pati paper bag na siguradong laman yung gifts na sinasabi niya.

She never changed. I mean simula nung maging fan namin siya hanggang ngayon ganun pa rin siya.

"Thank you. Ang dami naman nito."

"Wala yun, Pau. Pwede ba tayong magpicture?"

Sa daming bagay na binigay at ginagawa ni Isla para sa akin ay yun lang ang lagi niyang hinihinging kapalit. Picture or video with me.

Pero kapag binisita mo social media accounts niya, wala kang makikitang bakas ng mga ginagawa niya for me. Tho inuupload niya na nasa ganap siya pero hindi mo iisipin na may extra fangirling mile pa siya like this.

Kaya im always telling my co member na sobrang passionate.

After we took our photo nag ligpit at nag ayos lang siya.

"Yun lang. Hope magustuhan mo. Thanks, Pau."-she said then she left.

Yes, she left. Iniwan ako sa loob ng convenience store. Ni hindi man lang nga ako pinagsalita.

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now