Chapter 1

1.8K 53 77
                                    

Nung makarating kami ni Stell sa condo niya ay agad niyang ibinagsak ang sarili sa kama. Batid ko ang sobrang pagod nito dahil bukod sa sobrang tagal naming nagrehearse ay siya din ang halos bumuo ng dance step namin.

"Pal, padeliver tayo. Nakakagutom."-sabi niya habang nakasubsob ang mukha sa kama.

"Anong gusto mo?"

"Lilibre mo ako? Wow, bait naman."-agad siyang umupo sa kama at parang batang tuwang tuwa sa narinig.

"Ayaw mo? Edi wag."

"Jabiiii na lang."-sabi pa nito, jusko po napa cute nitong kaibigan ko.

Napapaisip na lang ako eh, tama ba desisyon kong wag kang iwasan?

Umorder na ako at pumasok na sa banyo para maligo, ganito na ako kacomfortable sa condo ni Stell.

"Pal, dito na food."-sigaw pa ni Stell, ang bilis naman.

"Bayad na yan, kinard ko."

Paglabas ay nakita kong inaasikaso at iniaayos ni Stell ang mesa. Ewan ko pero nag-iiba talaga ang tingin ko sa kaniya.

"Gusto mo ba metal utensils o ito na lang disposable?"-tanong niya sa akin.

"Disposable na lang para hindi na tayo maghugas."

Umupo na kami at iniabot niya sa akin ang mga kutsara at tinidor. Ipinagbukas niya pa ako ng gravy at siya din ang nagtanggal ng kanin ko mula sa pagkakabalot nito.

"Ang dami mong inorder ha hahaha alam na alam mong matakaw ako."

Tig isa kaming chicken joy with rice, tig isa din kami ng burger steak with rice, tig isa din kaming jolly spaghetti. Bumili din ako ng tig isang chocolate sundae, tuna pies to go at ube cheese pie to go.

"Pakabusog ka pal."-sabi ko dito.

"Alam mo Felip Jhon natatawa ako sa mga nababasa ko sa tiktok talagang gumagawa sila ng mga ship ship na ganun."

Muntik ko na maibuga yung sinubo kong spaghetti.

"Nakikita ko nga din."-maikling tugon ko.

"Sino bias mo?"-tatawa tawa pa si Stell habang nginangasab ang burger steak

"Baliw bias ka jan?"

"Ako JoshTin ang cute pala pal hahaha. Shiniship nila si Jah tsaka si Josh kahit bardagulan kinikilig sila."

Ako, bias ko? Kentell. Para sa ship man lang may tayo diba?

Ano bang pinag-iiisip mo, Ken???

"Ako siguro PaStell."-kunyaring sagot ko sa kaniya

"Ayaw mo KenTell? HAHAHAHAHA"-tumalsik pa ang kanin na nasa bibig niya.

"Gagi ka, pal."-maiklilng tugon ko at pekeng tumawa.

Makatapos namin kumain ay pinagpahinga na lang ako ni Stell at siya na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Likas na sa kaniya ang pagiging maalaga niya.

Walang taong hindi mahuhulog sa kaniya kahit ako....

"Pal, nagkagusto ka na ba sa taong imposibleng maging sa iyo?"-seryosong tanong ko dito.

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now