Chapter 25 - What's wrong with loving you?

758 37 25
                                    

Stell's POV

Wala kaming ganap bukas. Birthday ko. Mas pinili ko din na huwag na muna mag live at umuwi kasama sila mama. Sabi namin sa A'TIN sa weekend na lang kami maglalive celebration.

Inimbitahan ko pa rin mga kamiyembro ko para magcelebrate dito sa bahay kasama ang Se-Eon family ko tapos yun na.

Medyo hindi ako okay lately. Ang daming tumatakbo sa isip ko dahil lang dun sa panaginip na iyon. I mean, naniniwala naman ako na love has no gender pero bakit si Ken?

Wala namang mali kay Ken. Pero bakit kasi siya?

Pero naisip ko din.

What's wrong with loving, Ken? Regardless of the gender, sobrang sarap mahalin ni Ken. Kumpletos rekados.

Physically attractive, masarap magmahal, mahal ang pamilya, may business, alam kung anong gusto para sa buhay niya.

Lahat naman kay Ken kamahal mahal. What is wrong siguro ay yung thought na magkagrupo kami at straight siya.

Gusto ko lang sabihin sa kaniya lahat kasi una, ayokong maglihim. Ken is 100% honest and open with me when it comes to anything. Ultimong vulnerable side niya ay pinakikita niya sa akin.

Next, he deserves to know it. Ayokong isipin niya kapag nalaman niya sa iba na gusto ko siya. Isipin niya pinagsasamantalahan ko closeness namin. Na baka sa akin may malisya na.

Pangatlo, ako yung tipo ng tao na hindi matatahimik na hindi alam ng taong mahal ko na mahal ko siya.

But

I am also thinking not to tell him kasi una.. ayokong masira friendship namin.

Pangalawa, paano kung confused lang talaga ako?

Pero dalawang buwan na akong confused????

Maybe the way to figure it out is to talk to him?

Bahala na.

Natigil ang pag-iisip ko noong magring ang cellphone ko.

It is a video call coming from Ken.

Agad kong sinagot iyon.

"Happy birthday, Stell."-he said on the other line.

Pagtingin ko sa oras ng cellphone ko. Eksaktong 12:00 MD na.

"Kamusta? Ano handa mamaya?"-he continued speaking.

"Thank you, Ken. Nakalive ka?"

"Hindi. Katatapos lang. Inintay ko magsaktong 12 para batiin ka. Magsleep na rin ako kasi maaga ata kami bukas sunduin ni Josh."

"Uy. Sweet hahaha. Thanks bro. See you bukas."

"Salamat pre. Goodnight. Happy birthday ulit."

See?

Now you see bakit mas lalo akong nahihirapan makagetover sa panaginip ko? Napakadaling mahalin ni Ken.

-------------------

Nakahanda na lahat ng niluto at pinadeliver namin nila Mama. Parating na rin for sure ang sb at seeon.

"Pormang porma ha. Happy birthday, dre."-sabi ni Keith na unang dumating.

"Teytey, happy birthdaaaaay."-dating din ni Gelou sabay abot sa akin ng regalo.

Sunod sunod na silang dumating.

Dumating na rin si Azkal sakay ang apat na kamiyembro ko.

"Happy birthday."-bati nila isa isa.

Mugto ang mata ni Ken at mukhang wala sa mood.

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now