Chapter 3

1.3K 53 125
                                    

Isang ordinaryong araw. Nandito lang ako sa condo. Ibig sabihin ordinaryong tao ulit ako ngayon.

Scroll sa iba't ibang social media platform.

I wanna uninstall my Tiktok account tho.

Puro KenTell content ang nakikita ko at hindi ko alam kung bakit.

I mean, im trying to avoid him.

Im trying my best para mawala o mabawasan man lang itong feelings ko para kay Stell.

Pero tuwing nakakanood ako ng KenTell na content hindi ko maiwasan na kiligin. At lalong hindi ko maiwasang mag isip na "what if"

Nalulungkot din naman ako dito.

1 text message
From: Pau
ken, wyat? lezgo kina Jah.

Kina Jah?

Bakit kaya?

To: Pau
y?

Nandoon kaya si Stell?

From: Pau
chill lang. tara na, daanan ka namin ni Josh.

Si Josh lang kasama niya? Ibig sabihin nag pass si Stell?

Wala din naman akong gagawin dito kaya pumayag na din ako. Atleast kahit tatahimik ako may kasama naman ako.

Makalipas ang ilang minuto dumating na rin sila Josh. Manemaneho nito si Azkal.

"Tara na nandun na si Stell nagluluto ata kasama ni Jah."-bungad ni Pablo na nasa shotgun seat.

Stell? So nandun na pala siya?

Malapit lang din naman kina Jah kaya im sure magiging mabilis lang din yung byahe.

Nung marating namin ang bahay nila Jah agad na nagdoorbell na agad si Josh.

Si Diko Yani ang bumungad sa amin. Nag fist bump kami sa isa't isa.

"Jah, nandito na sila Josh."

umakyat naman kami kaagad sa kwarto ni Jah.

sayang hindi ko nadala si Kuro.

Imbis na Saoirse ang hanapin ko, si Stell agad ang hinanap ko. Pero si Justin lang ang naabutan namin sa kwarto.

Ayoko namang magtanong kasi mahahalata nila ako.

"Eto na ang picka picka"-sabi ng pamilyar na boses.

Parang kumabog ng sobrang bilis ang puso ko.

"Pal!!! Buti sumama ka?"

"E-eh wala rin naman gagawin sa bahay."-pinilit kong maging casual.

"Tara laruin natin tong cards. Tas eto oh, lola remedios na lang uli kasi allergic si Ken sa alcohol."-paliwanag naman ni Jah.

Kinakabahan ako sa cards cards na yon. Parang iba.

"Ano yang cards na iyan?"-sabi naman ni Pau na mukhang ayaw din sa naiisip ni Jah. 

"Siyempre isa isa tayo bubunot. Then may instruction naman sa card halimbawa ito."

Bumunot si Jah sabay binasa ang laman ng card.

"Ipasa ang shot sa katabing nasa kaliwa, edi ayon ipapasa mo iyan sa nasa kaliwa mo. Follow the instruction lang."

"Eh bat lola remedios lang?"-sabi naman ni Josh

"Allergic nga kasi si Ken."-depensa ni Justin.

"Edi walang thrill, namumula lang naman iyan kapag alak. Sa shrimp lang naman siya hindi makahinga."-yaya naman ni Josh

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now