Chapter 17- Superiorson

1.1K 48 165
                                    

Stell's POV

"Ayusin kasi. Hindi ba pwedeng isantabi muna iyang ilangan? Iyan na yung sinabi ko una pa lang eh. Ihihiwalay yung trabaho sa personal na problema. Pagbalik ni Ken kailangan maayos na yung lahat sa MV para isushoot na lang."-mariin na wika ni Pablo.

"Sorry sorry, tara na."-sabi naman ni Josh.

"Now if you still have arguments na kailangan tapusin, tapusin niyo na muna. Napepressure na ako. Andami natin kailangang tapusin at ayusin."-mariin na wika ni Pablo.

"Sorry, Pau."-Jah said with a serious and apologetic tone.

"Ngayon i will ask you again, kaya niyo na ba?"-Pablo asked Josh and Jah na halata pa rin ang ilangan sa isa't isa.

"Yes."-the two answered in chorus.

Nagsimula kaming mag brainstorm, maglapag ng ideas about sa MV namin for Bazinga. The realease of Pagsibol was actually a hit. Ang daming natuwa. Gusto namin magfocus sa Bazinga dahil ang kantang iyon ay para sa mga hindi naniwala sa amin.

"So wala tayo sa MV talaga?"-tanong ko kay Jah.

"Physically, oo. Pero nandun tayo animated pero hindi obvious. Basta ganito.."-paliwanag ni Jah sa amin na agad namang sinang-ayunan naming lahat.

Need na lang namin irelay ang idea kay Ken at ipropose yun sa mga boss para malaman kung aapprove sila dito.

Bago pa man din ang MV Release pinaghahandaan naman namin ngayon ang BITZ concert namin. Mas mahirap to kasi online. Online lahat pati audience. Goodluck na lang talaga.

Ang hirap kapain ng emosyon ng mga nanunuod.

"Kailan bale balik ni Ken?"-tanong sa akin ni Pau.

"Bukas."-maikli kong sagot.

"Ipeperform niya na ba talaga yung Palayo sa concert?"-paninigurado naman ni Jah na finafinalize na ang flow ng concert

"Oo. I was able to ask him bout that. Desidido siya and hayaan na natin pre debut kumbaga?"-Pau said that made my heart happy.

Kung may number one fan ang boyfriend ko si Pablo yun at hindi ako.

"Let's call it a day. Umuwi na lahat. Magpahinga and please sana kung may mga ilangan o ano pa man ayusin na. Please lang ang hirap magtrabaho."-wika ni Pau bago kami tuluyang pakawalan.

Nagbook lang ako ng grab pauwi sa condo ni Ken. Miss na miss ko na yung lalaking yun.

Pinipilit kong magpakastrong na kunyari hindi ko siya namimiss pero sa totoo lang gusto ko na siyang puntahan kung nasaan man siya.

Tho, Ken is the best boyfriend. He always updates me. When i say update, time to time talaga. Kulang na lang pati paghinga niya.

Pagdating sa condo ay agad kong binuksan ang ilaw. Nakita ko si Kuro na nakaupo sa pintuan ng kwarto.

Himala wala sa sofa.

Gusto kong kumain pero mas gusto kong magpahinga at humiga dahil sa sakit ng katawan.

Lumilingkis lingkis na ngayon si Kuro sa akin.

Pagpihit ko ng pinto ay may natutulog sa kama ko??!!!

"Sino ka?"-sabi ko pa sabay bukas ng ilaw

"Love?"-sabay na sigaw namin ni Ken.

Si Ken???

Oo si Ken!!

Ha? Si Ken? Bakit nandito to? Bukas pa uwi niya diba?

"Anong ginagawa mo dito??? Bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka?"-gulat na gulat na sabi ko.

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now