Chapter 15 - Ah, eh, wala yon!

1.2K 47 130
                                    

Third Person's POV

Sinusulit lang ng family ni Ken at ng family ni Stell kasama ang sb19 members ang araw na ito. Bukas kasi ng umagang umaga ay babalik na sila sa Maynila.

Ramdam ang tuwa kina Stell at Ken na sa wakas legal na sila at hindi na kailangang magtago sa mga pamilya nila.

Si Jah naman ay tahimik sa isang tabi. Nakababad lang ang paa nito sa swimming pool sa hotel at nakanguso.

"May problema ba, love? Kagabi ka pa tahimik."-lapit ni Josh sa nobyo.

Hindi pa rin ganun kalapit ang pwesto dahil public place pa rin at baka may makakita.

"Wala nga. Magswimming ka na don. Dito lang ako."-iritableng sagot ni Jah.

"Hindi. I will stay here. May problema eh. Jusko naman Jah 3 taon na tayo hindi ka na makakapagsinungaling sakin."-wika ng binata sa nobyo.

"Wala nga. Sige lapit pa. Tapos kapag may nakakita satin pareparehas tayong mamroblema."-masungit na sagot ni Jah.

"Bahala ka."-sabay dabog ni Josh sa tubig at umahon.

Umupo lang ito sa mga upuan don sa tabi ng pool.

Napansin naman ng bestfriend niya na medyo off siya kaya lumapit ito sa kaniya.

"Anong problema? LQ?"-tanong ni Stell.

"Ewan ko. Tinatanong ko nga puro wala halata namang meron. Ginagawa akong tanga."-rant ni Josh.

Habang si Stell ay abala sa pagkausap kay Josh, si Pablo at Ken naman ay abala sa pagkausap kay Jah.

"Biglaan ba? Baka wala lang sa mood. Hayaan mo muna."-payo ni Stell sa nakatatandang kagrupo.

"Ewan ko kasi. Ayoko pa naman ng biglang hindi ko alam anong problema. Kilala mo ko, Stell. Kung may problema gusto ko ayusin kaagad. Kaso ayan na naman siya sa pagka isip bata niya. Gusto niya hulaan ko problema."

"Oh mga anak. Nag eenjoy ba kayo?"-tanong naman ni Tita Mylene nila na kasama si mama ni Ken.

"Ah opo opo, Tita."-sigaw ni Pablo

Umahon na ang pamilya ng dalawang binata at nagpaalam na aakyat na. Ang lima naman ay nagpatuloy sa pagtatampisaw.

"Ano hindi pa rin kayo magbabati?"-kunsumido na ang leader ng grupo.

"Bakit ba kasi magbabati eh hindi naman kami nag aaway?"-tanong ni Jah

"Edi wag mong sabihin problema."-dabog ni Josh sabay ahon sa pool.

----------

Ken's POV

"Huy natawag si manager."-sabi ko sa mga kagrupo ko noong makita na tumatawag si Manager.

"Sagutin mo na baka importante. Tsaka nagpaalam naman tayo eh."-sabi ni Jah na halatang wala pa rin sa mood.

"Hello boss manager. Kumusta po?"-masigla kong bungad.

"Hey kumusta jan? Are you guys enjoying? I heard nakauwi na si mama mo. Baka naman gusto mong magset para makabond niya yung apat na momshie."-alam ko na kaagad ang gustong mangyari ni Manager.

Ito talaga ang laging hiling din ng mga A'TIN. Goodluck na lang kay Mamang.

"Sure po, manager. Try ko po kung maisasabay si Mamang sa paguwi namin bukas."

Mahiyain si mamang pero sure ako g makakasundo niya sila tita. Si Mama Mylene pa lang ay sobrang nakaclose niya na.

"Tsaka nga pala, pag uusapan na natin release ng Palayo. We need to start working on the MV na to finalize everything. Im proud of you, Kenken."-our manager said that made me teary eyed.

What's Wrong With Loving You? | KenTellWhere stories live. Discover now