Chapter 2

5K 129 14
                                    

"Where are you going?"

Napalingon ako kay Cae na kakalapit palang sakin. Aalis ako ngayon papuntang DPO , an organization na kinabibilangan ko. Walang alam ang pamilya ko about dito dahil parati naman silang wala. Even Caellum di niya rin alam.

"Maghahanap ng afam." natatawang sabi ko dito habang naglakad papuntang garahe.

Maasim ang mukha nitong pinasadahan ako ng tingin kaya naman napatingin narin ako sa sarili. What's wrong? Perfectly gorgeous Cassidy Janea.

"gotta go Cae the german sheperd, ciao."

Natatawang inandar ko ang sasakyan habang kumakaway kay Caellum na kulang nalang ihampas sakin ang dyaryong hawak niya. Ewan ko ba sakanya bakit di lumalabas ng bahay nagmumukha na syang bampira.

"Hoy anak ni berna nasan kana raw? Kanina pa nagmamaktol yung tatlong inahin dito!."

Napangiwing inilayo ko ang telepono ko sa lakas ng boses ni Jazer. Bwesit nakalaklak ba siya ng megaphone?

"Hinaan mo nga boses mo hinayupak to papunta na ako!."

Naiimagine ko nanaman ang maarteng mukha ni Leon dahil ayaw pa naman nun sa mga latecomers lalo na pag may paguusapan kaming seryoso.

I was driving smoothly nang may makita akong mga bata sa gilid ng kalsada habang nangangatok sa mga pintuan ng kotse.

Nanlalambot na tiningnan ko sila. How could a parent abandoned their children at hayaang maghanap buhay sa murang edad?

This is why i hate the fucking society. Ang mga nasa posisyon pa ang dahilan kaya maraming naghihirap na pamilya. Mga sakim sa kapangyarihan at pera, di man lang iniisip ang mga batang maapektuhan dahil sa kasakiman nila.

I parked my car near the bridge at lumabas sa sasakyan. Tiningnan ko ang mga batang nakahiga sa gilid ng kalsada na may kaunting karton at blanket ang ginawang tirahan.

"Hey bud nasan mga magulang niyo?" I softly said to little kid na taimting nakatingin sakin habang hawak hawak ang barbie na putol ang paa.

"Hala may ateng maganda!."

Napalingon naman ako sa batang lalaking nakangiting nagpunta sa harap ko. Sumunod namang nagsilapitan ang ibang mga kasamahan niya at nakatingalang tumingin saakin.

"Ano po ang kailangan niyo??"

Tumingin naman ako sa babaeng mukhang syam na anyos palang ata dahil siya lang ang medyo matanda sakanila.

"Nasan magulang niyo?? Kumain naba kayong lahat??"

"Ulila na ho kami at ano kasi ate hindi pa po." nahihiyang turan nito habang tinitingnan ang mga puslit. I picked my phone inside my pocket at tinawagan ang kanang kamay ko sa DPO.

"Rico magpadala ka ng dalawang sasakyan dito sa Santiago Bridge bilisan mo."

Binaba ko naman ang mukha ko at pinantay sa mga maliliit na bata na bungisngis at ang iba pa ay sira sira ang damit. Tiningnan ko sila isa isa at nginitian.

"Hintay lang kayo saglit ah? Kakain tayo sa labas. Saan niyo gusto pumunta??."

My heart almost melt nang magliwanag ang mga mata nila. They must be hungry.

"Sa pulang bubuyog po ate!" nagtatalon na sabi ng isang bata. Napatawa nalang ako dahil sa sinabi nito.

"Hoy Jorid nakakahiya" saad ng pinakamatanda sakanila at sinaway ito.

"It's Jollibee baby, hintayin lang natin saglit yung paparating na sasakyan ha? Di kasi tayo magkakasya pag sa sasakyan ko kayo lahat sasakay."

Napahiyaw naman sila sa tuwa dahil sa sinabi ko. Di ko tuloy maiwasang matuwa habang tinitingnan sila. Their smile is so pure and genuine.Ilang minuto pa ay nagsidatingan narin ang dalawang black na suv.

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now