Chapter 24

2.4K 84 19
                                    

"Bakit mo nga pala ako dinala rito Miss?"

Nakaupo kami sa isang may kahabaan na wooden chair na malapit sa lake habang kumakain ng ice cream. Di ko alam na may ganitong lugar pala dito. Ang tahimik ng paligid.

"Nothing. I just missed Kairon. He introduced me to this ice cream." nakangiting sambit nito sakin.

"Mas maganda ka pala pag nakangiti no?." I nonchalantly said na ikinalingon niya.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang magsungit nanaman ito. Alam mo sir Kairon , ang swerte mo sa asawa mo.

"Bakit di niyo po yayain si Doc Kai rito kung namiss niyo naman pala?" tanong ko habang nasa harap ang tingin. Nabibigatan ako sa narinig ko pero ayaw kong magpahalata.

"He's busy. I don't want him to neglect his duty." tipid na sambit nito.

Ilang minuto kaming natahimik. Hindi ko alam kung bakit niya ito sinasabi sakin.

"Ma'am may tanong ako."

Napalingon naman ito habang naghihintay sa sasabihin ko. Gusto ko kasi malaman.

"Paano po kayo nagkakilala ni Doc Kai?"

I was stunned a bit when she smiled. If anyone could see her right now ay tiyak na mabibighani ang mga ito. Ramdam ko. Ramdam ko na mahal niya si Sir Kairon.

Her eyes says it all...

"It was way back in senior high school. He's kind and cheerful. He's the only person who could withstand me. He's a type of guy....,,,"

Seryoso lang akong nakatingin sakanya habang kumikislap ang mata nito. She was smiling while talking about sir Kairon. Napangiti nalang ako ng mapait. Tangina ang swerte mo Doc. Napaka swerte mo.

"Mahal niyo po talaga siya no?"

Parang may nakaharang na bato sa
lalamunan ko nang tanungin ko ito sakanya matapos itong magkwento sakanila. Mas lumawak ang ngiti nito sakin.

"sobra." she said.

Napaiwas naman ako ng tingin dahil nalulunod ako sa tingin nito na kumikislap para sa ibang tao.

"Siguro ma'am pag mas maaga kitang nakilala , masaya siguro." ngiting sabi ko rito. Ngingiti nalang ako para maitagong nasasaktan na ako.

"nah it would surely be a disastrous." she chuckled a bit. Ang sarap pakinggan ng mga tawa niya.

"Disastrous ka jan pero mejo." natatawang sabi ko rito.

"Siguro ma'am no pag mas maaga kitang nakilala, sabihin nalang natin na what if magkaedad tayo tapos engineering student ka palang, siguro hindi lang ito yung lugar na pagdadalhin mo sakin baka nga pati ako dalhin mo narin sa semento." , di'ko maiwasang mapangiti habang sinasabi ang mga katagang 'yun sakanya.

"That would be the case. I'm thankful I didn't met you during my teenage years." she smirked while saying it. Wow ha dapat nga mag pasalamat siya eh.

"Pagsiguro naging close tayo nun ma'am baka jowain kita." asar na sabi ko na mas lalong ikinatawa nito. I love hearing her laughs.

"Oh bakit ka po tumatawa jan?." saad ko rito.

Napailing iling ito habang nakakagat ang labi halatang pinipigilang wag matawa. Parang hindi talaga siya yung Prof Alex na kilala ko sa campus. Ang iba ng aura niya rito.

"Bagay ka talaga sakin. Engineer ka tapos magiging Architect ako." i said na ikinatigil nito pero kalaunan ay ngumiti rin.

"You're crazy but, I'll wait for your project in the future then, Architect."

Napaangat ang tingin ko nang tumayo ito habang naka lahad ang kamay sakin. Tinanggap ko naman ito at nginitian ito.

"Do you wanna have some fun?" sabi ko rito habang nakatingin sa maraming tao sa may perya.

"I think we should g--h-heyy wait up you fool!"

Natatawang napatakbo naman ako habang si Miss Alex ay tinatawag parin ako.

"Saan mo gusto pumunta Miss?" nakangiting sabi ko rito na masama nanaman ang tingin sakin.

"You wild boar." hinihingal na sambit nito nang makalapit sakin. Gusto kong matawa sa reaction niya.

Napatigil naman ito nang hinawakan ko ang kamay niya kaya nginitian ko lang ito. I don't know where should we start.

"Ma'am let's try that one!" nakangiting sabi ko habang tinuro yung may mga iba't ibang kulay na box tapos yung mga tao naglalagay ng pera sa isang kulay. May i roroll na box with different colors at pag na timing na yung na roll is yung kulay na tinaya mo ay double yung babalik sayo.

"Ma'am walang black card po dito."

Halatang richkid talaga ang isang to. Di ko maiwasan mapatawa nang maglagay ito ng black card sa box. Jusq naman barya lang yung mga ganito beh.

Napanganga yung mga tao dahil sa asta nitong katabi ko. Pati yung nagoperate nito ay napatulala sa nilapag niya.

"This game is stupid. What kind of perya who doesn't accept a card?" masungit na sambit nito sakin habang sinamaan ng tingin yung mga box na color.

Ang arte ng pagkasambit niya sa perya na word, kaya yung ibang naglalaro di maiwasang makaagaw ito ng atensyon at isapa, ang ganda niya. Sinong di mapapalingon kung ganito siya kaganda.

"Ma'am ano kaba naman, barya yung mga kadalasang itinataya dito at isapa, ano naman yung isusukli nila sa blackcard mo?" natatawang sambit ko rito bago nagpulot ng isang daan at pinabarya muna ito.

"Ito piso po bumili ka ng kalaro mo." asar na sambit ko na ikinalingon nito sakin. Ang saya niyang asarin.

"You're just making fun of me, I'll better go." seryosong saad nito sakin at akmang aalis na sana nang pinigilan ko ito. Napatingin naman ito nang inilahad ko ang kamay ko.

"Kumuha kana para makapagsimula na tayo ma'am."

Padabog na kinuha naman nito ang barya sa kamay ko. Gosh lahat nlng ata ng ginawa niya ay ang saya sa paningin ko.

"Manong , the measurement of the square is not right."

Naknang ito nangaba. Kakasimula palang namin tapos andami na niyang napansin. She's really not used to this kind of world.

"Ah Ineng okay lang yan basta napagulong mo ng maayos okay na." nakangiting sambit ni tatang.

Paglingon ko sa itsura sa isa ay nakakunot ang noo nito. Seryoso lang itong naka titig sa box habang pinagsiklob ang mga braso niya.

"The box seems to have a different trajectory everytime you roll it. If you consider the measurement of the box, it shoul--"

"Ah manong pasensya naho, mauuna na po kami ah."

Pag diko pa talaga inakay to, tiyak na gulo ang aabutin namin dun. Jusko naman wala kami sa skwelahan.

"Ma'am ba't mo naman ginawa yun." napakamot na sabi ko rito pero yung isa sinamaan lang ako ng tingin. Pambihira talaga.

"Why? Is it wrong to pin out their incorrect way of putting those things into applications?"

Kung di ko lang talaga to gusto matagal ko na tong tinapon. Gosh nastrestress ako sa pinagagawa niya. Pati yung laro naiba pa talaga.

"Hindi naman po sa ganun. Actually tama ka po. Lage ka namang tama." nakangiting sambit ko rito pero tinaasan lang ako nito ng kilay.

"Alam mo, mas mabuting mag ferris wheel nalang tayo."

Hinila ko naman ito sa may ferris wheel. Ilang minuto muna kaming nagpila bago sumakay. Napatingin naman ako kay ma'am na tahimik lang sa harap ko habang unti unting tumataas ang sinasakyan namin.

"Cassidy..."

I was a bit stunned when she suddenly called my name. That's really rare. I'm just staring at her when she suddenly said the words i never thought I would hear exactly from her.

"Thank you..."

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now