Chapter 25

2.5K 76 7
                                    

For the past few days, I indulged myself into practicing volleyball for the upcoming Sport Fest tomorrow and within those days, i must say, I somehow build a connection with Miss Alex.

Mas naging malapit kami sa isa't isa after nung nangyare sa amusement park although di parin nawawala yung kasungitan niya. She's surely different from before or maybe ganito naman talaga siya? Ayaw niya lang ipakita sa mga tao na may ganung side pala siya.

"I already prepared everything and could you please change your clothes after your training? You might catch colds because of that. Do you get me?"

Napalingon naman ako sa lalaking naglalagay ng gamit ko sa sports bag ko. Mukha talaga siyang tatay sa asta niya. He keeps on nagging, hindi naman siya ganyan ka ingay noon.

"Yes sir!." sabi ko habang may pa salute pa sa harap niya na ikinairap nito kaya diko mapigilan tumawa sa asta niya.

"Magsuot kanga ng damit mo , kanina kapa palakad lakad jan, bouncer kaba ha?" dugtong ko rito habang binato yung white na v neck shirt sa mukha niya.

Hindi paba siya aalis? Balita ko may hearing siya ngayon eh. Sinundan ko naman ito ng tingin habang naglalakad papuntang living room. Nakablack pants ito at naka sapatos narin pero walang saplot sa taas. He's revealing his damn build infront of me.

Papuntang school ako ngayon para sa last preparation namin. Dala ang bag ay naglakad na akong papuntang living room. Naabutan ko naman si Caellum na naka black suit na at may chinecheck ata sa suitcase niya.

"Let me drop you off." sabi nito atsaka tiningnan ako. Nagtagal ang paningin nito sakin bago magiwas ng tingin.

"Ganda ko ba? Ako lang to." asar na saad ko dito pero yung kumag tinalikuran lang ako. Walang modo talaga.

Pinagbuksan naman ako nito ng pinto bago umikot sa driving seat. Natigilan ako nang sumuot ang mabango nitong hininga sakin. Bakit ba ang lapit niya. Seryoso lang nitong kinabit yung seat belt sakin tsaka ako tiningnan.

Hindi ko mawari ang emosyon na dumadaloy sa mga mata niya. It's strong and unpredictable. I gulped when his stares drop to my lips. What the fuck , this so awkward.

"T-tumabi kanga, ambaho mo." sabi ko rito tsaka ito tinulak ng bahagya. Umigting naman ang panga nito at napabuntong hininga bago bumalik sa pwesto nito.

"I might be late later this evening." sabi nito habang sa daan ang tingin. Ano namang pakealam ko kung malate siya? Buhay niya naman yun.

"Kahit wag kana umuwi okay lang." sabi ko sakanya na ikinalingon nito sakin. Kahit pa umabot siya ng madaling araw , it's none of my business.

"I changed my mind. Expect me before 6pm."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito. Sira ba siya? I really won't mind at all. Napatingin naman ako sa kamay nitong naka kapit sa manobela ng mahigpit at di rin nakaligtas sa pandinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Napano kaba jan? Kung makabuntong hininga ka parang anlaki ng problema mo sa mundo."

Aba di man lang ako pinansin. Tinukod ko naman ang kanang braso ko sa may bintana ng kotse saka tiningnan ito.

Napakasuplado talaga yung aura niya. Ang tangos ng ilong. Kalalaking tao ang pula ng labi. Napunta naman ang tingin ko sa bracelet nito. Napatigil ako ng makita ito. Bakit ang familiar ng suot niya?

"I have something for you"

"Do you like this? Bagay sa braso mo!"

"Thank you cara mia!"

Fuck! What was that? Napapikit ako at napahawak sa ulo dahil sumakit ito. Kaninong mga boses yun?

"Cassidy? H-hey? Are you okay?"

Napamulat ako nang ihinto ni Caellum yung kotse. Napatingin naman ako sa paligid, mukhang nasa CIU na kami. Napunta naman ang tingin ko sa nagaalalang mukha nito.

"What do you feel? May masakit ba sayo? Come on tell me." aligagang tugon nito sakin habang hinawakan ang pisnge ko. His concerned face is distracting me.

"I-I'm okay , i'm okay. Sumakit lang ng kunti yung ulo ko but i'm fine. You don't have to worry." sabi ko rito habang nakatitig ng mariin sa mga mata nito.

"Call me when you feel something wrong a'right?."

Nginitian ko naman ito. Bumaba na ako sa sasakyan pero hindi parin siya umaandar pa alis. Sinilip ko naman ito sa bintana.

"Ano pang ginagawa mo? Umalis kana baka malate kapa sa hearing mo." sita ko sakanya. Nakatitig parin ito sakin. Ano nanaman kaya ang iniisip nitong isa.

"What do you want for dinner later?" tanong nito habang tinapik tapik yung manobela.

"Ikaw na bahala. Sige na umalis kana."

Nakatitig pa ito sakin ng ilang segundo bago ako tinanguan. Tiningnan ko naman ang sasakyan nito na paalis na.

"You're really close to Atty. Suarez huh."

Napalingon naman ako sa nagsalita sa likod ko. Masama ang tingin nito sakin. What,'s with the stares??

"Ah opo."nakangiting sambit ko rito na ikinairap niya. Napano ba siya?

"Papunta karin po bang gym Miss? Dun narin ang punta ko, sabay nalang po tayo." sabi ko rito tsaka ito inakay papasok sa CIU.

"You can't just drag your professor like that Castro." sabi nito habang masama ang tingin sakin. Di naman nito tinanggal yung kamay ko na naka kapit sa kamay niya.

"Wala po akong narinig." natatawang sambit ko rito. Napahinto naman ako nang tumigil ito.

"That man...is he really close with you?" sabi nito habang nagiwas ng tingin sakin. Bakit ba siya nagtatanong?

"Opo sobra, we're actually living together."

Mabilis na napalingon naman ito sakin at parang kakainin nako sa iba ng titig niya sakin. Did i just made a wrong move??

"Y-you what?", a hint of confusement is evident in her face. Diko maiwasang mapalunok dahil sa mukha niya. Bakit ba ganito ang asta niya, malamang butler ko rin yun.

"I can't believe this." bulong nito habang napahawak sa bewang at umiiling iling sakin.

"Do you know him enough? Why are you living with him? Is your parents okay with that? Gosh you're so annoying." sunod-sunod na dagdag nito sakin. Andami niya namang tanong jusko.

"Matagal na po siyang kilala ng parents ko at isapa butler ko rin ho siya aside sa magkaibigan kami."sabi ko rito na ikinatigil niya. She suddenly cleared her voice and composed herself infront of me bago nagsalita ulit.

"Is that so?" nakataas ang kilay na sabi nito habang nagiwas ng tingin. " I need to go, i still have something to do." dugtong nito sakin at mabilis na naglakad paalis.

Nagtatakang nakasunod lang ang tingin ko sa papalayong pigura nito. Hindi ko maiwasang mapakamot sa ulo dahil sakanya.Akala ko ba sa gym rin yung punta niya? Sabog na ata siya.

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now