Chapter 6

3.3K 87 10
                                    

"Do you need these?"

Napalingon ako kay Caellum na namimili ng notebook sa gilid. Nasa mall kami ngayon namimili ng gamit sa skwelahan at naggrocery na rin.

"Bakit andami niyan? May i remind you college na'ko hindi elementary."

Hinablot ko ang mga notebook sa kamay nito at ibinalik. Bakit pa kasi siya sumama? Paalis na ako kanina nang magpumulit itong sumama sakin dahil boring daw sa bahay. Boring amp pero di naman lumalabas tanga lang?

"College who?  You're like a nursery kiddo."

Sinamaan ko lang ito ng tingin at nagdampot nalang ng ruler at ibang mga measurements. Kumuha rin ako ng sketch pad at iba pang mga kailanganin para sa architecture.

"Are you done? Let's go to meat area."

Lumapit ito sakin nang matapos kong ilagay ang mga gamit sa cart. Tinulak niya naman ito papunta sa mga raw foods.

"Don't touch it. You're so disgusting."

Di ko ito pinansin at sinundot lang ang baboy para malaman ko kung presko ba. Ang arte niya ha di naman siya ang bibili.

"Tumigil ka baka ihampas ko tong baboy sayo."

Napabuntong hininga naman ito sa tabi ko at pinabayaan nalang akong mamili. Kumuha lang ako ng iba't ibang mga seafood.

"Ano lulutoin mo mamaya?" i said to him habang hinihintay tadtarin ang mga karne.

"What do you want?" he asked. Sinandal nito ang mga braso sa hawakan ng cart at seryosong tiningnan ako.

Mag adobo nalang kaya? Afritada?

"Wala akong maisi--" naputol ang sinasabi ko nang mamataan ang babae nung nakaraan sa gilid namin. May kasama itong lalaki, mukhang nag grocery rin sila.

"What do you think with seafoods hon?" rinig kong sabi nung lalaki. Ka ano ano nya ba yan? Boyfriend? Asawa? Ang bata niya pa para magasawa eh baka boyfriend? Whatever.

"Hey you're spacing out."

Napakurap kurap ako nang hawakan ni Cae yung bewang ko. Napatingin ako ulit dun sa babae na nakatingin pala samin. Walang mababakas na reaction sa mukha niya at nagiwas ng tingin sakin.

"Afritada nalang." nakangiting sabi ko kay Caellum. Napalingon naman ako sa dalawang pigurang lumampas sa gilid namin para mamili rin.

"Should we buy chocolates for Andrix first?"

"He's only 2 years old Kai seriously?"

Napalingon ako sa mukha nung babae nakakunot ang noo habang namimili ng karne. Di ko na alam sinasabi ni Caellum sa tabi ko dahil nasa gilid lang ang tenga ko nakikinig sakanilang dalawa.

Shit ano bang ginagawa ko?

Pinulupot ko naman ang mga kamay ko sa braso ni Caellum. Nagtatakang tumingin ito sakin. Nginitian ko lang ito at nginuso ang mga prutasan.

"Hoy sa prutasan tayo bingi kaba?"

Nakatunganga lang kasing tumingin sakin parang naabno nanaman. Kulang nalang talaga ipapasok ko to sa Hospital.

"Yeah right." walang ganang tinulak nito ang cart sa kanang kamay habang ang isang kamay nito ay nakapulupot sa bewang ko.

"Cae walang strawberry??"

Maraming prutas pero strawberry pa talaga yung wala. Tiningnan ko ito na kumukuha ng mansanas at mangga.

"May nakita kaba?" he boredly said at nilalagay ang mga prutas na hawak nito.

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now