Chapter 13

3K 104 14
                                    

"Cry baby."

Gulat na napalingon ako sa gilid ko nang marinig ang boses na yun. Teka anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito??

"Stop asking and just take this."

Parang nawalan ata ako ng boses habang nakatingin sa babaeng bigla nlng nilagay ang panyo nito sa mga palad ko at walang emosyon na nakatingin sa dagat.

" What are you doing here Prof Alex??" mahinang sambit ko dito and yes si Prof Alex nga tong bigla nalang sumulpot.

" you're blocking the way idiot."

Mabilis na napalingon naman ako sa may kalsada. Tangina anong blocking pinagsasabi nito eh ang luwag luwag ng daan.

"How could you be so ugly when crying. Wipe your face."

Napamaang naman ako sa sinabi nito. Tangina nawalan na ata ako ng dila dahil di man lang ako makapagsalita. Pano niya ko nahanap dito?? Kahit nagugulohan ay pinunasan ko nalang ang mukha ko gamit ang panyo niya.

"Ma'am may factory kaba ng mga panyo? Andami mo atang stock nito?."

Napangiti ako ng tipid nang sinamaan ako nito ng tingin. Hindi ko alam pero kahit papano biglang gumaan pakiramdam ko.

"What happened to you."

Napaiwas ako ng tingin nang sinulyapan ako nito. Napangiti ako ng matamlay habang tumingin sa dagat. Ang peaceful dito.

"Wala naman po, trip ko lang talaga ang lahat." natatawang sabi ko kahit ang totoo gusto kong umiyak sakanya pero syempre di ako magdradrama sa harap niya noe.

"Stop acting. It's okay."

Mabilis na napalingon ako dito dahil sa magaan nitong boses. Ang gaan niyang magsalita ngayon. Di ko maiwasang mapangiti dahil sa maaliwalas nitong mukha.

"Ma'am seryoso bakit ka po napadpad dito."

"I already told you. You're blocking my way." supladang turan nito at nagiwas ng tingin sakin.

"mama mo blocking."mahinang bulong ko na ikinalingon niya.

"Pardon?"

Nakataas ang kilay nito kaya di ko ma iwasang matawa ng bahagya.

"Yan para di ka nagmumukhang busangot." nginitian ko ito habang nakalapat parin ang mga daliri sa kilay nito na inayos ko. Nakatingin ito sakin kaya naman ay tiningnan ko rin ito.

She's glowing. Nagrereflect ang ilaw ng buwan sa mukha niya. Tangina ang ganda niya. Sobrang ganda.

Parang bigla naman akong nakuryente nang hawakan nito ang kamay ko. Di ko maiwasang mapalunok dahil sa palad nitong malamig.

"You're so hot." she said while caressing my hand softly

"I know right, ako lng t--"

" you're burning stupid. Let's get out of here , you need to rest."

Inalalayan ako nitong tumayo. Napalundag ako ng bahagya nang hawakan ako nito sa bewang at inalalayang maglakad. Tumigil naman ako saglit at tiningnan ito.

"Ma'am di ko kayang maglakad."

I bit my inner cheeks to supressed my smiles. Damn anong kagagahan to Cassidy ang landi mo.

Nakakunot ang noo nito pero kalaunay kinarga nalang ako. Walang imik lang ito at dahan dahan akong nilapag sa passenger ng kotse niya.

Muntik nako mawalan ng hininga dahil sa sobrang lapit nito sakin. Kunting dangkal nalang at maglalapat na talaga ang mga labi naming dalawa. I saw her gulped before looking away at mabilis umikot sa drivers seat.

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now