Chapter 4

3.8K 103 8
                                    

"Get back here Cassidy akin na yan!!"

Ilang minuto na kaming naghahabulan ni Caellum dito sa loob ng bahay dahil sa maliit na puting dagang kakabili niya lang.

"Tumigil kanga nagiging kamukha mo na yung daga tangina" natatawang sabi ko rito habang umiikot sa mesa sa may garden.

"Give me that mouse. I'll swear you're really a deadmeat pag di mo binalik sakin yan" he gritted his teeth na parang manununtok na pag di ko binalik.

"Pwedeng akin nalang to Cae? Pleasee."
malambing na sabi ko sakanya.

Natigilan naman ito at hinawakan ang leeg nito habang seryosong nakatingin sakin. Ilang segundo pa itong nakatayo habang nakatingin sakin at kalaunay tumalikod na. Luh galit ba siya?

"Hoy Cae akin naba to?!" sigaw ko sakanya nang makapasok ito pero tinaas lang nito ang kamay niya na di man lang ako nililingon.

Natatawang nabaling ang tingin ko sa puting daga na nagiingay. Nakangiting kinuha ko ito at hinahaplos. Malambot ang balat niya , saan kaya to nakuha ni Caellum?

Kinuha ko ang cp ko at inaya ang mga kaibigan ko na pumunta sa bar. Tatlong araw na kaya ako rito sa bahay gusto ko na magliwaliw dahil nakakasawa ang pagmumukha ni Caellum.

Pumasok na'ko sa loob dala ang daga at naabutan ko si Cae na nasa kusina mukhang nagluluto dahil naka apron. Pasimpleng pumunta ako sa likod nito habang naghihiwa.

Bakit ang cute niya naman atang tingnan sa pink na apron? Pasimple kong sinuri ang kabuoan nito na naka topless lang pala at short. Seryoso ang mukha nitong naghihiwa ng karne.

"mukhang masarap yan a-"

"Fucking Lucifer!"

Napalundag naman ito dahil sa biglaang pagsabi ko at masamang tumingin sakin, di ko tuloy maiwasang matawa sa mukha niya. Napasandal ako sa may mesa habang hawak ang tyan ko kakatawa dahil sa reaction niya.

"You're hopeless case."

Napailing iling nitong sabi sakin at tinapon sa pagmumukha ko ang t-shirt nitong puti na saktong tumama talaga sa mukha ko. Kahit kailan talaga napaka walang mudo.

"Mr. Chef ano ulam for today's video?" natatawang sabi ko habang tinutok ang cp sa harap na naka video sakanya.

Lumingon naman ito sakin at masamang tumingin sa camera, kulang nalang uusok ang ilong dahil sa inis. Napaka suplado naman this boy.

"Shut it down nagluluto ako." walang pakealam na sabi nito at pinagpatuloy ang paghihiwa.

Nilapag ko naman ang cp ko at pinagmasdan nalang ito. Nagawi ang tingin ko sa matigas nitong braso na gumagalaw pag naghihiwa, ang sexy nitong likod at matambok na pwet nito. Napunta naman ang tingin ko sa side profile nito, matangos na ilong , pulang mga labi at makakapal na kilay.

Sa totoo lang napaka gwapong lalaki ni Caellum kaso daig pa si Daddy sa sobrang seryoso ang mukha, napaka ubod pa ng sungit. Mukha na kaming magkapatid dahil kami lang naman parati ang tao rito sa mansyon dahil palaging wala sila Mommy.

Lumapit ako sakanya at kumuha ng mga plato sa gilid , nakakahiya naman siya na nagluto tapos ako rito tamang lamon lang ang ambag.

Inabot ko ang malaking pabilog na plastic na plato sa gilid niya, tangina sinong letseng naglagay nito ang taas naman.

"Move."

Napatigil ako dahil sa boses na nasa likuran ko. Muntik nako matumba kung hindi lang ako nito nahawakan sa bewang. Seryoso lang itong nakatingin sakin.

Kinuha naman nito ang plato sa taas ko habang hawak parin ang bewang ko. Teka bakit ang bait naman ata niya ngayon?

Hinawakan ko ang leeg niya at seryosong sinuri kung nilalagnat ba siya. Umigting naman ang panga nito at mabilis na hinawakan ang kamay ko. Walang sabi itong tumalikod sakin.

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now