Chapter 7

3.2K 88 8
                                    

Nakatingin lang ako sa mga studyanteng pumapasok sa Custadio Imperium University kung saan kami magaaral ng mga kaibigan ko. Si aunt Lian ang may ari nitong univ yung tita ni Rajim.

Nasa parking lot lang kaming apat habang hinihintay si Rajim. Ambagal ng kumag na yun ah. Ilang minuto pa ay dumating na rin ito kaya namay ay naglakad na kami papuntang Auditorium para sa orientation.

" Let's welcome our new Professors ,
Ms. Luji Kazam Mendoza, Ms. Alex Lenon Roa, Ms. Alliyah Xenon Rodriquez and Ms. Soline Kace Ramirez."

Tatlong mga babaeng dyosa na bumaba sa langit ang nagsipuntahan sa stage. Nakangiti yung isa pero yung dalawa parang walang pakealam sa paligid. Nahinto ang tingin ko sa isa. Alex? Alex pangalan niya? at professor pa talaga.

Gumala ang tingin nito hanggang sa magtagpo ang paningin naming dalawa. Ayan nanaman yung pakiramdam na parang anytime babarilin ako nito sa talas ng mata niya.

Rinig ko pa ang sinabi ni Jazer na sila raw ang nakasalamuha namin sa bar a week ago. Naagaw tuloy namin ang atensyon dahil sa lakas ng boses ni Leon at Jazer , kahit saan sila ilugar napaka ingay.

May mga presentation at activity pa ang nangyari bago natapos ang orientation. Tiningnan ko pa si Miss Alex bago ako hinila ni Jazer paalis. We proceed to principal's office dahil pinapatawag daw kami ni aunt Lian.

Natawa nalang kami sa mukha ni Rajim na nakangiwi habang nilalayo si aunt Lian sakanya dahil parang sawa ito makayakap. Ilang minuto pa kaming nagkwentohan sa baba nang may pumasok na babae. Maganda rin siya mukhang kaibigan ata ni Aunt Lian.

Napatingin naman ako kay Rajim na nakatungangang lumabas sa opisina matapos kaming paalisin ni aunt Lian mukhang may paguusapang importante.

Nagkanya kanyang alis na kami. Dumaan muna ako sa Jollibee para mag take out ng pagkain para samin ni Caellum dahil maglulunch narin.

Nakatingin lang ako sa menu. Magsupermeal nalang kaya kami? Kakain naman ng kahit ano yun aarte pa siya ako nanga bumili.

"You look stupid."

Napalundag pa'ko ng kunti dahil sa boses galing sa gilid ko. Siya nanaman? Anong ginagawa niya dito?

"What are you doing here?" saad ko sakanya habang nakakunot na tiningnan ito. Nakatingala lang ito sa menu bago ako tiningnan. Ngayon ko lang napagmasdan ng malapitan ang mga mata niya. It's so magical and.....enchanting.

"What else i should do in this kind of place?"

Tinaasan lang ako nito ng kilay kaya naman ay napakurap kurap ako at tinoon ang tingin sa harap. Yeah right malamang kakain tanga mo Cassidy.

Mabilis na kinuha ko ang card at ibinayad. Binayaran ko na rin yung kay Miss Alex habang lumilinga ito sa paligid na mukhang naghahanap ng upoan.Mabilis na lumabas naman ako after makuha ang order ko.

"What the hell are you doing lady? Why are you paying for my bills?"

I turned my head seeing this grumpy woman infront of me na magkasalubong ang dalawang kilay na nakatingin sakin.

"Huh? Ginto kaba para magbayad ako??" maang maangan na sabi ko at kinunotan ito sa noo.

"I don't need your money."

Napamaang na napatingin ako sa pera nitong nilagay sa mga palad ko. Hanep siya nanga binayaran.

"H-hoy di ko tatanggapin to!"

Mabilis na hinabol ko ito at hinawakan sa braso. Napaatras nalang ako sa mata nitong nanaliksik nanaman habang tiningnan ang kamay na nakahawak sa braso nito.

Embracing my SerotoninWhere stories live. Discover now