Chapter 22

2.5K 76 1
                                    

"Kamusta na yung pinagawa ko sa inyo?"

Napatingin ako kay Rico nang abutan ako nito ng folder. Nasa DPO ako ngayon kasama ang mga tauhan ko.

"We already looked for the cctv in the area Miss...however, we couldn't identify the gender of the person."

Ang linis ng may gawa nito. Pati ako diko matukoy kung lalaki or babae ba to dahil madilim. Pasalamat nalang talaga siya at naging maayos ang kalagayan ng mga bata.

Napahilot naman ako sa noo dahil sa nangyare. Hindi ko pa nakakalimutan yung sulat na nakita ng tauhan ko sa pinangyarehan ng asksidente. This is such a headache.

"Just keep on investigating." tugon ko sa mga tao at tumayo na. Pati mga tauhan ko hindi ito matukoy. Isang tao lang ang aasahan ko sa mga ganito.

I picked my phone and dialed her number. Pumasok ako sa kotse at nagkabit ng seatbelt.

"Private Agent Leiz Buenavista, speaking."

....

"Here, drink that. No excuses."

Napaangat naman ako ng tingin nang abutan ako ni Caellum ng gatas. Ginawa nanaman akong bata ni ulopong.

"Look at your eyes Cassidy. What did you do this whole time?" delaryo nito sakin habang maiging tiningnan ang mukha ko.

"Marami lang akong project na inabala."

Hindi naman pwedeng sabihin ang totoong dahilan bakit nagpupuyat ako. I was so eager to find out kung sino ang may gawa nun. Whoever they are, they should pay for touching my properties.

"Don't be too hard on yourself. You can ask for my help. Do you want me to do it for you??" nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. No hell way. Ayokong makealam siya sa ganitong bagay.

"Sige subukan mo ulit para makita mo yang mga damit mo sa labas ng bahay."

Sinamaan ko ito ng tingin but he just rolled his eyes. The nerve with this guy.

"I can live without clothes." walang modong tugon nito habang bumalik sa pagtitipa sa laptop niya. Kahit kailan talaga napaka epal niya.

Ever since na nalaman kong Lawyer siya ay nakikita kong tumatanggap na ito ng mga kleyente or matagal na siguro siyang tumatanggap pero hindi ko lang napansin.

Napasandal ako sa upuan at napatingin sa lalaking nasa harap ko. He's wearing specs while facing his laptop. Seryoso lang ito sa harapan ko. Tsk oo na gwapo kana.

"What are you staring at? Do you want something?" he said while raising his eyebrow.

Tiningnan ko lang ito. Napagisip isip ko lang. Bakit niya tinanggap ang pagiging butler kung Lawyer siya?

Napatingin ako sakanya nang bigla niyang sinirado ang laptop at itinabi sa gilid. He stared intently at me.

"What is it? Is there something bothering you?"  saad nito habang naka cross ang mga braso sa dibdib nito.

"Wala naman. Nagtataka lang ako kung ba't  hinayaan ng Diyos na masilang ang isang katulad mo." asar na saad ko sakanya pero nginisian lang ako nito.

"I'm also confused. Why did God let me live on earth when I'm most fitted in Olympus."

"Sobrang hangin mo Attorney. Natatangay na ata yung utak mo paalis sa ulo mo."

He just chuckled by my respond. Inirapan ko naman ito tsaka tumayo. Kailangan ko pumunta ng CIU para mag rehistro sa Sport Fest.

.....

"Oh dalawang linya lang! H-hoy anoba wag kayong magulo kitang ang init² na , dumagdag pa yang panget na pagmu-mukha niyo!"

I'm wearing a hat and a jacket dahil tamad akong magdala ng payong at isapa di ko naman akalain sobrang iinit ng ganito, kulang nalang talaga ipasok kami sa impyerno eh.

Kanina pa'ko naiinip rito sa linyahan na sobrang taas, plus ansusungit pa ng nasa harap. Nilibot ko ang paningin baka sakaling makita ko si Keisha rito.

"Give me your regi--Cassidy?"

Napakunot ang noo ko nang makita ang nasa harap ko. She looks familiar. Mukhang naintindihan naman nito ang mukha ko kaya ngumiti ito.

"It's Andrea. You're one of Rajim's friend right?." nakangiting saad nito kaya naman ay sinuklian ko rin ito.

"Yeah, it's nice to see you again." nakangiting sambit ko rito.

Nakilala ko siya through Rajim, knowing that woman andaming lalaki at babaeng nagkakandarapa dun. Artistahin eh mana sakin.

"By the way ano palang sasalihan mo?" tanong nito habang nagpeperma sa registration form ko.

"Gusto ko i try yung volleyball."

Napagisipan kong volleyball nalang yung sasalihan ko sa Sport Fest. Matagal tagal narin simula nung maglaro ako nun eh.

"That's nice. Anyway, give this form to counter 2 para maguide ka papunta sa gym."

Nagpunta naman ako sa sinabi nito. Ako lang ba mag isa dito? Mukhang sa badminton yung kay Keisha eh. Sa mga kaibigan ko ewan ko saan nagsisilusot mga yun. Sa laki ng CIU bihira kaming magkita.

"Balita ko sasali si Avon sa volleyball."

"Avon? Yung magandang nursing student? Hoy seryoso ba yan?."

"Oo tol , nakita ko yung papel niya sa registration form."

Napalingon ako sa mga lalaking nakasabay ko. Gosh mga lalaki talaga sagad sa buto magpantasya.

"Ano ba tumabi kanga, paharang-harang ka sa daan!"

Mabilis na napalingon naman ako sa tatlong babae na may dala dalang mga bola at net. Sa gym ba ang punta nila?

"Ano tunganga ka nalang jan? Tabi!."

Napataas naman ang kilay ko dahil dito. Ako ba ang kausap niya? Nilingon ko ang paligid atsaka tinuro ang sarili ko.

"Ako ba kausap mo?" sabi ko rito.

"Ay beh hindi, siguro yung pader. Try mo sabihan ang pader na umalis."

Sinamaan ko ito ng tingin. Napaka attitude naman nito parang nagtatanong lang. What if balatan ko nalang siya?

"Stop it Lia. I'm sorry about that but we need to hurry. Excuse us."

Napunta ang tingin ko sa babaeng nagsalita. Ang ganda niya gagi. Maganda rin naman ako pero ang ganda niya talaga.

Nakasunod lang ang tingin ko sa tatlo na nagmadali maglakad. Sinamaan pa ako ng tingin nung babaeng sumita sakin. Sama ng ugali.

"Shit pare si Avon nga! Mukhang may bago nakong panonoorin nito."

Diko na pinansin ang mga nagsalitang mga kalalakihan at nagmadaling maglakad. Base from their actions awhile ago, mukhang magsisimula na pre trial.

Maraming Gym sa loob ng CIU at itong court nato ay ventilated kaya di sobrang init. Sinuri ko ang loob, maganda siya. Mejo marami rami rin ang nag punta.

Nakita ko pa yung mga babae kanina na nagset up sa net. Pumunta naman ako sa may gilid para ibigay yung registration form ko.

"Cassidy!!!."

Napapikit ako dahil sa lakas ng boses na yun. Tangina nga naman ouh di talaga matahimik ang bibig. Lintik na Jazer.

Napatingin naman sakin yung mga tao at kay Jazer na nagmamadaling tumakbo sakin. Nagmumukha siyang tanga.

"Why the fuck are you shouting? Itikom mo yang bibig mo kung ayaw mong tumama tong kamao ko sa pagmumukha mo." mahinang sita ko rito nang makalapit.

Nasa amin na tuloy yung atensyon ng tao rito. Attention seeker talaga siya bweset.

"Bakit ka nandito? May atraso kapa saking hinayupak ka." saad ko rito pero ang timang nginitian lang ako.

"Actually ano kasi Cassy, naiwan ko pera ko hehe."

Naknang pugo naman. Andaming pera di man lang magdadala. Mabilis na binigyan ko ito ng isang libo para tumahimik na siya.

"Thank you so much my bff! Alis na ko babye!!"

Napaikot nlng ang mata ko dahil kulit niya. She will never be Jazer if hindi siya ganito umasta.

Embracing my SerotoninHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin