Chapter 1

103K 1.2K 171
                                    

Chapter 1 : Introduction

 

                “Kathyrn!” Ako? Si Kathyrn Chandria Bernardo. Tawag nila sakin, Kath o kaya Kathryn. Hindi ako yung babaeng mga nasa normal stories. Bakit? Kasi sila, mayayaman, magaganda, at iba pang mga positive na bagay. Samantalang ako? Wag nyo nang itanong. Pero sasabihin ko. Me? I’m a geek. A dork. A nerd. A weirdo. A fugly-weirdo. Hindi naman ako mahirap. Actually, sabi nila, our family is one of the richest family dito sa lugar namin. I don’t care. Di ko ramdam. Kasi di naman ako yung spoiled brat-classy-woman. I’m just the plain-fugly-nerd na walang nakakapansin kundi ang magulang ko. Wag nyo nang itanong kung bakit ganun ako, kasi di ko rin alam kung bakit? Okay? Wait. What do I mean by nerd? I’m wearing big and thick glasses, but I don’t have braces, though. I don’t have any sense of fashion. Wala yun sa vocabulary ko. Valedictorian since Kinder. I have the brain, pero beauty? Ugh, I don’t even care kung di ako maganda. Yung buhok ko, laging nakapony. And I’m a shy-and-silent-type-person. Wala rin akong sports. Wala rin ako masyadong gadgets. Laptop at cellphone lang. Pero apat lang ata nasa contacts ko, si Mommy, si Dad, yung Driver namin at ang bestfriend ko na si Julia.


“Kat-Kat! Tinatawag ka ni Coach oh.” Si Julia Montes, ang aking bestfriend-since-birth. Si Julia? Goddess. Maganda, maganda at maganda. Di ko nga alam kung bakit ko naging bestfriend yang sporty-beautiful-chic na yan eh. Tawag sa kanya sa Campus namin? “Ms. Sporty Chic”. Ang daming naghahabol na lalaki dyan. Marami na rin syang naging boyfriend, pero ni isa don, wala syang minahal. Weird right? Nahawa ata sakin. Kawawa naman siya.


“Ah. Oo!” Tumakbo ako papunta kay Coach – di ako sporty, I’m just here to be a…


“Oh, nandito na pala watergirl natin.” Oo, kung “Ms. Sporty Chic” ang bestfriend ko, ako naman ay ang “Dakilang watergirl”. Pano nangyari? Eh kasi, isang beses sumama ako sa varsity training ni Julia para panoorin sya – pati na rin yung crush kong Basketball Captain – at ayon, kailangan nila ng watergirl, nakita ako nitong kalbong coach na ‘to at ginawa akong watergirl. Di naman ako nakatanggi kasi nga di naman ako palasalitang tao. Pero okay na rin ‘to. Lagi kong nakakasama si Julia – pati na rin yung crush ko.


“Dalhin mo ‘tong tubig dun sa basketball team. Malapit na magstart game nila.” Sa pagkasabi yun ni Coach, biglang sumakit tyan ko. Wala, kinabahan ako kaya may mga paru-paro na naman sa tyan ko. Eh pano ba naman, makikita ko na ulit si Mr. Crush, also known as, “The Campus King”. Yun ang tawag sa kanya dito, paano ba naman eh ang daming may gusto sa gwapong nilalang na yun. Kinuha ko na yung tubig, yung water jug. Malaki sya, mabigat. Pero sanay na ko. Two years na kaya akong watergirl. Ay oo nga pala! Di ko pa nasasabi edad ko. 15 years old ako, isang Junior High School sa ^Tooot^ University, kaklase ko si Julia since Kinder, si Mr. Crush naman ay Senior na at 3 years ko na siyang crush. Pero ewan ko kung alam nyang nageexist ako sa mundong to.


BOOG^

 


Ano’t – ? Patay ako.


“Darn! Naman! Binasa mo ako!”


“Sorry po, sorry.” Nakatungo lang ako at di ko tinitingnan yung taong nabuhusan ko ng tubig. Ang bobo ko talaga! Bakit kasi kung anu-anong iniisip ko, yan nakabunggo ako, nabasa ko pa. Araykupo.


“Hoy, watergirl, tutungo ka na lang ba dyan?” at sa point na yun, tiningnan ko yung nabunggo ko. At… nagulat ako. Well, ang mayabang na “The Campus Hunk” lang naman ang nabunggo ko. Ang feeling hari na lalaking mukhang unggoy, utak ipis at ugaling demonyo. Hay, kung minamalas nga naman ako.


“Sorry.” Sabi ko at umalis na ako. Siya si Daniel Padilla, ang unggoy na nabunggo ko. Matagal ko na siyang kakilala, mula pagkabata namin. Kasi magkapit bahay kami, at magkaibigan ang mga magulang namin. Pero ayoko talaga sakanya. Ang yabang nya, ang angas nya, mukha syang unggoy, utak ipis sya!


“Hoy. Watergirl.” Hinigit nya ako at hinarap sa kanya. Pinag iinit talaga nitong unggoy na ‘to ang ulo ko eh.


“May pangalan ako.” Sabi ko sakanya. Yung tunog ng snob na person. Isa pa pala, kahit weird ako, marunong din naman ako maging normal na tao.


“KATH! DANIEL!” napatingin kaming dalawa ni unggoy sa tumawag. Si Julia. Patakbo papunta samin.


“Hey Babe.” Ang bati ni Daniel sa kanya.


“Don’t call me babe. Past is past. Kadiri ka.” Sagot ni Julia. By the way, di ko naikwekwento, may past silang dalawa. Kahit childhood friends sila – di ako kasali, kasi di ko friend yung unggoy – naging sila. Bakit? Kasi trip nila. Pero di naman daw nila minahal ang isa’t isa. Ewan ko nga kung sino ba talagang weird dito sa kwentong ‘to eh.


“Oh bakit mo hinaharass bestfriend ko?” taas-kilay na tinanong ni Julia kay Daniel. Okay, takot nga pala si Unggoy kay Julia.


“Harass ka dyan. Babae lang hinaharass ko.”


“Babae ako no!” sabi ko sa unggoy sabay taas ng salamin kong nalalaglag na.


“Tunay na babae.” Asar! Simula noong bata kami, ang tingin nya sakin, lalaki. Di naman ako mukhang lalaki, nerd ako! Hindi tibo!


“Daniel, the game’s about to start.” Pagtingin ko… I’m stunned. Si Mr.Crush nasa may harap ko. Naka jersey na pambasketball.


“Oh. Sige Albie sunod na ko.” Sagot naman ni unggoy kay Mr. Crush. Ako? Nakatingin parin kay Mr. Crush kahit palayo na siya sakin. Pabalik na sya sa court.


“HOY! Ang pantasya mo hanggang pantasya lang!” Sabi ni unggoy sakin at nagpaalam na sya kay Julia at tumakbo na sya papunta sa court. Naaabnormal na naman ako. Dahil nakita ko na naman si Mr. Crush, si Albie Casiño.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

FREE TO COMMENT and VOTE.  wag kalimutan. SUPPORT and BE A FAN. Loveyouall. <3

This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now