Chapter 37 ♥

49.3K 682 136
                                    

Chapter 37 : What You Mean To Me

Nakakaasar! Pinapasok ako ni Mommy ngayon. Eh wala akong gana. Nasakit ulo ko, baka tulugan ko lang yung lectures mamaya.

Pagpasok ko sa classroom, ang ingay. Grabe! Tsismisan nang tsismisan. Pati si Julia nawala. Kaya naupo na lang ako at sinubsob mukha ko sa desk.

“Grabe yung nangyari kahapon no!”


“Oo nga! Di ko akalain.”

“May mangyayari daw mamaya. Intayin na lang natin.”

 

Ha? Ano yun? May ramble?

Di ko na lang pinansin kasi biglang may dumating na teacher.

***

“Bes. Bes! Auditorium daw tayo.” Ha? Napatingin ako kay Julia, nasa tabi ko na sya? Kanina wala sya ah. “Lutang ka parin? Di mo narinig?” umiling ako.

Hinigit nya ako bago pa ako nakapagsalita. Pumasok kami sa auditorium at umupo sa gitna. Wala akong pake kung saan kami uupo, tutulog lang ako kung lecture to.

Nakakatamad kaya.

Ang daming tao, may ibang year din. Edi hindi to lecture. Baka may program? Baka nga.

Christmas program? December na eh. Baka nga.

Biglang nag off yung ilaw. Wala akong makita. Malamang, wala ngang ilaw eh, edi madilim.

Ano ba yan, pinipilosopo ko sarili ko.

Biglang may spotlight sa isang lalaking nakatalikod sa stage. Wow. May program nga. May magpeperform.

“This song is my message for someone special to me.” Sabi nung nakatalikod.

“I can't blame you for thinking that
You never really knew me at all”

Nakatalikod parin yung nakanta, pero familiar yung boses. Pero baka imagination ko lang yun.

This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now