Chapter 35

47.8K 592 83
                                    

Chapter 35 : In Denial


Monday! School na! Excited na ako! Makikita ko na ulit siya, hihi. Parang di ko kasama kahapon eh no? Eh namiss ko agad eh! hihi.

School na ako, ang aga ko nga eh. Aabangan ko sya sa gate kahit magkaklase kami. Naeexcite ako eh! hihihi!

So nasa gate na ako, di na ako makapag intay.

Dumarami na ang mga tao, pero wala parin siya, nasan na kaya yun?

At sa wakas, dumating na yung kotse nila. Unang lumabas si Kuya JC at ningitian niya naman ako at dumiretso na siya sa building nila. Tapos… bumaba na siya! Si unggoy.  Di nya pa ako tinitingnan tapos pumunta siya sa kabilang pinto nung kotse at binuksan. Nakita kong may isa pa silang kasama…

Si Senior Suzy.

Bakit niya kasabay pumasok yan? Anong ibig sabihin nan?

Papasok na sila, nakatitig lang ako sakanila. Nakatungo lang si unggoy, tapos magkahawak kamay sila. Anong ibig sabihin nito?!

Papalapit na sila sa kinaroroonan ko at nabilis ang tibok ng puso ko. kinakabahan ako. Nakirot ang puso ko.

“Hi nerd. Este, Kathryn.” Bati sakin ni Senior Suzy. Di ko siya pinansin, nakatingin lang ako kay unggoy. Anong ginagawa niya kasama ang babaeng to? Kala ko ba ako ang mahal nya? Kala ko ba!?

O pinaglaruan nya lang ako?

“Tara na Daniel.” Sabi ni Senior Suzy tapos hinigit nya si unggoy. Hindi manlang sya tumingin sakin.

***

Di ako dumiretso sa klase, dumiretso ako sa likod ng school kung saan ako laging nakatambay.

This Crazy Love (PUBLISHED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora