Chapter 36

48.8K 696 175
                                    

Chapter 36 : No Suzette, No heartbreak

Ilang araw na akong hindi pinapansin ni unggoy. Ilang araw na akong naiyak.

Nakakapagod pala. Pero ang sakit sakit. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito.

Araw- araw ko syang nakikita, kaklase ko pa siya. Pero hindi ko manlang sya matingnan o makausap man lang. Nagbago na ang lahat.

Parang dati, lagi nya lang akong inaasar tapos magagalit ako sa kanya, tapos maiirita ako sa kakulitan nya. Pero ngayon, iba na.

Masakit. Nasasaktan ako dahil binabalewala nya lang ako.

Lagi silang magkasama ni Senior Suzy. :/

Ano yung nangyari samin nung birthday ni Diego? Eh yung sa EK? Panaginip lang?

Siguro kung ako ay ibang babae, nagpakamatay na ako. De, mali. Hindi pala. Hindi ko gagawin yun, kasi wala naman akong pinanghahawakan eh. Hindi naman kami.

Pero sabi nya, mahal nya ako. Diba? Mahal nya ako nang dalawang araw lang? Pwede ba yun?

Tapos mahal niya na ulit si Senior Suzy kasi nagkita na ulit sila?!

Grabe! Totoo pala! Na babaero sya!

 

“Kathryn!!!” huh?! Sigaw ni Julia. Napatingin ako sakanya, sumenyasa sya sakin tapos napatingin ako sa harap ko. si Ma’am.

Naspace out pala ako.

“Ms. Bernardo, I’m asking you. What is the answer on number 12?” Huh? Napatingin ako sa board, hindi ko alam yung sagot. Naspace out talaga ako.

“I’m sorry Ma’am. I don’t know the answer.” Sabi ko sabay tungo.

“Ms. Bernardo, ilang araw ka nang ganyan. Baka maalis ka sa pwesto mo sa pagiging valedictorian pag pinagpatuloy mo yan. May problema ka ba, iha?” di ko alam. Tumungo lang ako nag umiling. Wala na akong sasabihin pa.

Matatanggal valedictorian place ko?

Late reaction ako.

Ano ba namang klaseng buhay to!

This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now