Chapter 13

57.5K 660 91
                                    

Napaaga ang update ko kaya MAGVOTE at MAGCOMMENT kayo >:D

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 13 : Realized


Back to me. Okay, nasakin na ulit ang spotlight. Hihi. Syempre, joke lang. Anong kinuwento sainyo ni Bestfriend Julia? Ang daya! Nakwentuhan nya kayo, ako eto, nagtataka parin sa pagiilangan nila ni Diego nerd like me.


Wait. Back to the present.


“Daniel, please? Tayo na ulit.” Sabi nung babae sabay hawak kay unggoy.


“Ayoko na. Bitiwan mo ko, pwede ba?”sabi naman ni unggoy dun sa babae habang kumakawala sa hawak nya.


“Daniel! Mahal kita!” nasigaw na yung babae. Sino ba to?! Pamilyar talaga eh!


“Bitiwan mo ko –”


Tapos nangyari na ang nangyari! Ano yung nangyari? Simple lang naman, hinalikan nung babae si unggoy. Bigla naman akong nakaramdam ng bigat ng dibdib. Ewan ko lang ah, di ko kinaya yung nakita ko. At dahil hindi ko kinaya, tumakbo na lang ako pabalik.


“Bes! Oh, nasan na si Dj?” di ako nakasagot kay Julia. Ano namang sasabihin ko? Na nakita ko siyang may kahalikang babae?


“Ah… T-tawagan mo na lang. D-di ko mahanap eh.” Okay, di ko alam kung bakit ako nagsisinungaling para sakanya.


“Okay.” Tapos nilabas na ni Julia yung cellphone nya, tapos tinawagan na si unggoy na nakikipaghalikan kung sino mang babaeng haliparot yun. Teka? Bakit ba ako galit na galit? Hindi, hindi ako galit. Tsh.


“Hoy, Dj. Aalis na! Aba! Bilis, iwan ka namin.” Tapos binaba na ni Julia yung phone nya. Wala akong pakielam. Iwan na sya! Bwisit.


5 minutes later…


“Oh nandyan ka na rin sa wakas.” Napatingin naman ako. Si unggoy nga. Aba’t ningitian pa ako? Anong problema nya? Nananadya ba sya? Naiinis ako!


“Bwiset ka.” Tapos tumalikod na ako sa kanya. Tumabi naman sya sakin sa likod ng van. “Pwede ba! Lumayo ka nga!” tapos siniksik ko sarili ko sa may bintana.


“Problema nun?” nagtanong ka pang unggoy ka.


This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now