Chapter 34 ♥

53.7K 752 104
                                    

Chapter 34 : Beautiful day

 

Alam mo yung masaya? Alam mo yung excited? Ako yun eh! Sunday ngayon at may lakad kami ni unggoy. Di ko alam kung saan, pero niyakad niya ako kagabi after the party kung pwede daw ba kaming lumabas ngayon. Sobrang nagulat ako dun, di ko naman akalain na ganun eh! Kaya excited na ako! Susunduin niya ako dito sa bahay ng 4PM, at 2PM pa lang eto na ako naghahalungkat ng damit sa cabinet. Ano kayang susuotin ko? Wala naman akong magagandang damit eh! 

*knock knock*

“Pasok.” Tapos nakita ko si Mommy.  “Mom? Napadaan ka?” Parang iba eh, unusual naman na pumunta si Mommy sa kwarto ko.

“May nabalitaan lang kasi ako,” tapos ngumiti si Mommy ng malaki.

“Ano naman po yun?” tanong ko.

“May date pala kayo ni DJ ngayon ah!” tapos ngumiti pa ulit si mommy ng nakakaloko.

“Pano nyo po nalaman?!” nagpanic ako, aba! Nakakahiya kaya! Feeling ko uminit yung mukha ko nun.

“Kay Denn, kanino pa ba?” Kay Tita Denn?!?! Sinabi ni unggoy sa mommy niya?!

“Mommy… Di yun date – ”

“Anong hindi? Eh ano yun?” tapos parang nalungkot si Mommy.

“Oh, uhm…” di ko alam sasabihin ko. Kaya napatungo lang ako.

“Di mo na kailangang itanggi,” hinawakan ni Mommy kamay ko. “Boto naman ako kay DJ eh. Ang saya saya ko nga kasi nalaman kong may something na sainyo ni DJ. Hihi.”

“Mommy! Walang something!” tanggi ko.

“Shhh. Hahaha! Wag ka na kumontra. Etong baby ko, nahihiya pa sa mommy niya eh.” tapos inakbayan ako ni Mommy. “Basta, sabihin mo sakin kung sinaktan ka niya, papaluin ko sa pwet. Okay?” awww. Natouch naman ako kay Mommy kahit binibiro ako. Nagnod lang ako. Tapos hinalikan niya ako sa noo. “Good luck sa FIRST date baby.” Tapos umalis na siya ng kwarto ko. Talagang first eh.

***

I don’t know what to wear! 3PM na! I can’t decide!  I need to call 911! Juliaaaaaa!

Sinagot ni Julia after the second ring.

This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now