Chapter 7

60.1K 692 98
                                    

Chapter 7 : Class A

Umaga na. Kagabi, pagkahatid sakin ni unggoy sa bahay, sandamak-mak na tanong mula sa nanay ko ang binato nya sakin. Buti na lang tinulungan ako ni unggoy magpaliwanag. Haaay. At nasabi ko na rin sa nanay ko tungkol dun sa iPhone ko. Bibili na lang daw siya ng bago.

“Bes. I heard. Nakakainis talaga yang Yen at Suzette na yan!” si Julia na nagmamaktol sa harap ko.

“Kanino mo nalaman?” tanong ko.

“Kay Daniel. Hay nako! Buti na lang nalaman ni Daniel kundi, ano nang nangyari sa bestfriend ko?” nag act pa siya na naiyak. Yumakap naman ako sakanya.

“Salamat Julia.” Sabi ko. Touched kasi ako sa pagiging bestfriend nya sakin kasi atleast, may nagmamahal parin sakin despite of my looks.

“Ang drama mo naman, Bes.” Sabi nya sabay hawak sa likod ko.

“DRAMA NYO NAMAN.” Hmp. Sino yun? Epal. Eh, sino pa ba? Edi si unggoy.

“Wag kang epal, Padilla.” Sabi ko. O diba? Marunong na talaga akong magsungit sa public.

“Hiwalay na nga pala kami ni Suzette.”sabi nya sabay upo sa likuran. HUH? Hiwalay na sila? Parang natuwa ata yung tenga ko sa narinig nya. Parang bigla akong na hyper na ewan.

“Talaga? Buti naman.” Sagot ni Julia tapos umupo na rin kami sa upuan namin.

Pumasok na bigla yung teacher namin sa Music.

“Good morning class!” ang melodic talaga ng boses nya kahit nagsasalita lang.

“Good morning Ma’am Arellano.” Sabay sabay naming bati at umupo na rin kami.

“So, this quarter, magkakaroon tayo ng practical test. Isa siyang singing test, duet.” Tapos biglang ngiti ni Ma’am. Yung mga kaklase ko naman nagbulungan. Duet? Ibig sabihin… partner?

“Ganito, boys will choose who’ll be their partner. Ngayon din yun, so let’s start.” Nagsimula na si Ma’am magtawag ng pangalan ng babae tapos yung mga lalaki naman nagsipilian na. eh, teka? Sino namang gusto ako makapartner? Pwede bang girl to girl na lang?

“For Ms. Bernardo, who wants to be her partner?” nagbulungan lahat at nagsitawanan. Aaah. Sabi na mapapahiya na naman ako eh. Sino ba naman ang gusting pumartner sakin?

“Si Diego na lang! bagay naman sila! Parehong nerd! HAHAHAHAHA.” Asar nung mga babae sa may unahan.

This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now