Chapter 4

66.6K 761 65
                                    

Chapter 4 : Rumors

Umagang umaga ang ingay sa hallway ng school namin. Ang daming taong nakapalibot sa harap ng 3-B. Ano namang kaguluhan yan? Ang eepal talaga ng mga tao ngayon eh. Lahat ginagawa para mapansin lang sila. Ergh. Ayoko nang alalahanin yung kahapon.


“Ano bubunguin mo pa ba ako ha? Ikaw nerd ka?” isang malaking lalaki ang nagsalita, nandun sya sa gitna ng maraming tao pero kita ko parin sya kasi ang laki nya nga.


“D-di na-na p-po!” feeling ko naiyak na yun. Teka, familiar yung boses. Teka… si mirror ko! Si Diego!


Tumakbo ako papunta dun sa mga tao, hinawi ko at sumiksik at lumusot para lang makapunta sa may gitna. Anong ginagawa nila kay Diego?


“Diego!” nakita ko, bugbog sarado na si Diego. Yung mata nya tiklop na at yung labi nya nadugo na. May mga pasa na rin sya sa may pisngi. “Anong ginawa nyo kay Diego?!” sa pagsigaw kong yun, nilapitan ko si Diego at tinulungan ko sya.


“Aba’t nagsama pa ang dalawang nerd. Whoo! Bagong love team! Bagay kayo!” sigaw nung isang alagad nung malaking lalaki. Nagsitawanan naman ang mga taong nanonood. Di ba sila naaawa kay Diego? Nakakainis talaga tong mga taong to. Walang awa walang modo walang puso.


“Diego… okay ka lang? si Kathryn to.” Bulong ko sa kanya habang tinatayo ko sya.


“S-s-salamat.” Ang tanging sagot nya at umaalis kami sa mga tao. Sa mga masasamang tao.


                Nasa clinic kami ngayon ni Diego. Ginagamot sya nung nurse-in-charge. Nagkaroon na rin ng report sa guidance office. Mapaparusahan din yung mga mamasamang yun. Stereotype na mga tao. At umalis na yung nurse para magreport ulit sa guidance office para ipaalam na okay na si Diego.


“Okay ka na ba talaga?” tanong ko sa kanya. Nakakaawa kasi sya. Walang kasalanan yung tao, tapos ginaganun nila. Nakakaasar.


“Oo. Salamat ulit Kathryn.” Sabi ni Diego habang inaayos yung salamin nyang nasira.


“Kath na lang.” sagot ko naman sa kanya. Natutuwa din naman ako dito kay Diego, kasi nga nagkakasundo kami.


“KATHHHH!! What happened?!” ang bestfriend kong si Julia. Sabi na, susunod yan eh. Kasi di ako pumasok ng first period.


“Julia, si Diego. Diego, si Julia. Eto kasing si Diego nabugbog ng mga bullies.” Sabi ko, napatinggin naman ako kay Diego na nakatunggo lang at kinakalikot yung salamin nya.


“Ah… ganun ba? Kala ko naman kung anong nangyari sayo.” Sabi ni Julia at hinawakan yung ulo ko.

This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon