Chapter 11

58.5K 657 58
                                    

Chapter 11 : Hi new friends!

“Kids! Food’s ready! Baba na muna kayo!” napalayo naman ako kay unggoy at napatalikod sa kanya. Masyado akong nahiya sa ginawa kong pagkanta. Pati, nahumaling ako sa boses nya.


“Kain na daw tayo. Ge.” Tapos lumabas na sya ng kwarto. Aba? Nakakaasar talaga! Di manlang ako inantay? Parang sakanya tong bahay ah.


After kong magpaka abnormal, bumaba na ako. Ayoko maubusan ng pagkain.


“Baby Kath, kinukwento ka nitong si Dj. Haha. Ngayon ka lang daw nya narinig kumanta.” Tiningnan ko nang masama yung unggoy. Nakakainis! Bakit kailangan nya pang sabihin kay Mommy yun?!


“Argh!” padabog akong umupo sa dining table namin. At katapat ko lang naman yung unggoy. Napatingin ako sa orasan, at 5PM na pala. So 1 hour na kaming nandon sa kwarto.


“Nga pala Kath, may pupuntahan tayo with Dj mamaya.” Napataas naman ako ng kilay nun.


“Saan po?” tanong ko. Bakit naman kasama pa yang unggoy na yan?


“Party.” PARTY? Hindi naman ako mahilig sa party.


“Pass na ko Mom. Di naman ako mahilig dyan.” Sagot ko sabay kagat sa sandwich ko with my favorite nutella chocolate spread. Yum.


“Ayaw mo bang makakilala ng bagong kaibigan?” Sagot naman ni Mommy. Kaibigan? Sapat na si Julia sakin.


“Oo nga Kath. Nerd ka talaga.” Sabaterong unggoy!


“Nerd!? I prefer, smarter that you!” ano? Kala mo ahhh! Sanay na si Mommy na lagi kaming nag aaway ni unggoy kahit saan. Kasi nung mga bata palang kami ganito na eh.


“Teka lang ah, mamaya nyo na ituloy pag aaway nyo. Sumama ka na Kath, may damit na akong naibili para sayo.” ABA? Di manlang sinasabi ni Mommy. Nakakainis talaga. Pinagkaisahan pa ako.


“MOMMYYYY!” tapos tumawa lang silang dalawa.


“Bilisan mo kumain dyan, alis na tayo ng 6.” Tapos umalis na si Mommy. Iniwan ba naman ako kasama nitong unggoy na ‘to???


“Kasama sila Julia, wag kang mag-alala.” Napatingin naman ako sa kanya. Aba? May unggoy pala talagang nagsasalita eh.


“Okay,” tapos sabay tayo ko. “Bihis na ko.” Medyo naexcite naman ako nung sinabi nyang kasama si Julia. Kasi syempre, namiss ko naman ang bestfriend ko.

This Crazy Love (PUBLISHED)Where stories live. Discover now