Chapter 5

66K 839 112
                                    

dedicated to... @BashaLovePopoy

ang aking dakilang taga suporta ^__^

This sweet chapter is for YOU and all of you. <3

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 5 : Treat

Naglalakad akong mag-isa sa may garden ng school. Okay, loner na kung loner. Wala kasi si Julia, may varsity sila ngayon. Eh hindi naman daw ako kailangan ngayon sa practice nila eh. Kaya di na ako umattend.


“Hoy!”


“Ay anak ka ng – ” Okay, di ko na naman natapos kasi tinakpan ba naman bibig ko?


“Wag mo nang ituloy, baka sabihin mo na namang anak ako ng unggoy. Sige, di kita ililibre.” Okay, obvious naman at siya ang unggoy diba? Infairness, mabango ang kamay. Pero syempre, joke lang yon, sabihin nyong nahihibang na ako sa unggoy na ‘to.


“Aygdahkl…” ang sabi ko, pakawalan niya ako.


“Oh? Okay.” Tapos binitiwan nya ako. Ha? Naintindihan nya yon?


“Anong kailangan mo sakin?” tanong ko habang nakatingin ng masama sa kanya.


“Diba itre-treat kita kasi A-lister na ako?” tapos biglang nag glow yung mata nya. Oo, nag glow talaga, nakita ko eh. Teka, oo nga, A lister na siya, ibig sabihin… MAGKAKLASE NA KAMI?


“Wait. San? Ang treat?” natuwa naman ako at binalewala ko yung thought na magkaklase na kami ngayong third year. Gutom na ako eh.


“Secret.” Tapos ngumiti sya na kita lahat ngipin nya. “Sumunod ka na lang okay?” tapos nagwink sya sakin. Yuckkk! Gross. Susundan ko ba o hindi? Think, think. Now’s the time to think, think, think, when you have a problem think, think –


“Hoy ano ba?” pinutol naman ang pagkanta ko sa isip ko eh. Hinigit pa ako, kala mo naman laruan nya ako. Epal.


Habang kinakaladkad ako nito kung saan man, nakita kong nagtitinginan yung mga tao samin, mapa babae, lalaki, bakla, matanda, senior at iba pang year, nararamdaman ko lahat ng mga mata nila sakin, I mean samin.


“Oh.” May inabot sya sakin ng tumigil kami sa isang motor. Helmet pala yung inabot. Nakasuot na siya ng helmet at ng leather jacket, para syang rider.


“Wait? Nagmomotor ka? Alam ba to ni Tita?” nagulat kasi ako kasi di ko naman sya nakikitang nagmomotor sa subdivision namin.

This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon